'Marupok A+' ni Direk Quark muntikang hindi ipalabas sa sinehan?

‘Marupok A+’ ni Direk Quark muntikang hindi ipalabas sa sinehan, bakit kaya?

Reggee Bonoan - July 05, 2024 - 04:42 PM

'Marupok A+' ni Direk Quark muntikang hindi ipalabas sa sinehan, bakit kaya?

SA unang review ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pelikulang “Marupok AF (Where Is the Lie),” nabigyan pala ito ng X rating.

Pero nang muli itong ipa-review ng direktor na si Quark Henares ay naging R-18 na dahil ginawang “A+” ang “AF.”

At dahil R-18 ito ay eksklusibo lang itong mapapanood sa lahat ng Ayala Malls Cinemas, tulad ng Trinoma.

Habang kausap namin si Direk Quark pagkatapos ng mediacon ng “Marupok A+” ay nabanggit niya na ginawang R-18 na dahil sa mga lenguwahe.

Aniya, “E, di ba ‘yun naman talaga ang usapan ngayon ng mga tao. Tsaka common naman na ‘yun, ewan ko, for me kasi ganu’n.  Tsaka may masturbation scene si Maris (Racal) pero wala namang pinakita. Suggestive lang, tapos mga mura.”

Taong 2021 pa na-shoot ang “Marupok A+” at naisali na ito sa Cinemalaya noong 2023 kaya marami na rin ang nakapanood at maraming nagkagusto, lalo na ang LGBTQIA+ community dahil kwento ito ng transgender na naghahanap ng tunay na magmamahal sa kanya pero naloko siya.

Baka Bet Mo: Paolo kay LJ: Aaminin ko, naging marupok at g*g* ako…I’m very sorry for everything, sa lahat-lahat

Hindi naipalabas sa theaters ang “Marupok AF” noon dahil mas inunang dalhin ito sa iba’t ibang festivals sa ibang bansa.

“Nag-pandemic and nag-festival run siya, nag-premiere ng 2023 tapos nag-Amazon pa ako kaya hindi ko natutukan pero may award sa Los Angeles Asian Pacific Film Festival 2023, Special Jury Recognition and nag-premiere sa Slamdance Film Festival sa Utah (Salt Lake City – USA),” kwento ni Direk Quark na isa sa producer under ANIMA Studios.

Tapos na ang Pride Month nitong Hunyo, pero bakit July niya ito ipalalabas, “Dapat nga June kaso na-X (rating) kaya naurong-sulong kaya July na.”

Nabanggit namin na wala pang kumikitang local movies kapag ipinalabas sa sinehan, lalo na itong “Marupok A+” na sa Ayala cinemas lang mapapalabas na bilang lang kumpara sa SM cinemas na marami.

“Oo nga, eh. Pero kasi dapat R-16 ito, e, ganu’n talaga,” malungkot na sagot ng direktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ANIMA Studios (@animastudiosph)

Plano rin naman itong ibenta sa streaming platform at under negotiation pa, at hindi naman niya maibenta sa Prime dahil dati siyang kunektado roon at wala na ring Amazon sa Asia.

Nabanggit din naming bumalik na ulit sa pagdi-direk si Direk Quark dahil may mga naka-miss sa mga pelikulang gawa niya at ang huli ay ang “My Candidate” noong 2016 na sakto sa eleksyon.

Kahit hindi kumita ang ilang pelikula ni Direk Quark ay sana hindi siya tumigil.

“Oo nga, eh medyo fatalist ako, ha, ha, ha.  it’s the happiest job in the world,” sagot niya sa amin.

Bagama’t pabalik-balik si Direk Quark sa Pilipinas mula Singapore kung saan nakatira siya ng dalawang taon na dahil sa personal nitong adhikain.

Inalam namin kung ano ang pinagkakaabalahan niya roon, “Freelance lang muna. Commercials, okay naman, mahal lang (manirahan sa SG),” tumawang sabi ng direktor.

May pamilya na si Direk Quark at maliit pa ang apo ni Dra. Vicki Belo kaya indirect namin naitanong kung nako-cover ang expenses nila sa SG gayung wala siyang regular job.

Kasi hindi nanghihingi o never umasa si Direk Quark sa nanay niyang si Dra. Vicki kahit noon pang nag-aral siya sa ibang bansa ay sariling gastos niya kaya isa ito sa dahilan kung bakit sobrang humahanga kami sa kanya dahil anak mayaman, pero hindi mo ramdam dahil lahat ay kaya niyang pakisamahan/pakibagayan anuman ang topic na pinag-uusapan.

Tinanong nga namin kung wala ba siyang planong tulungan ang kapatid niyang si Cristalle Belo-Pitt na kasalukuyang managing direktor ng Belo Group.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mukha ba akong (sabay hawak sa mukha) kay Cristalle na ‘yan,” nakatawang sagot ng direktor.

Ang “Marupok A+” ay produced ng Anima kung saan naging part si Direk Quark ng 6 years at naisip niya bago siya umalis ay gumawa siya ng pelikula at ito nga iyon, “It’s my despedida movie,” sey niya.

Mapapanood ang “Marupok A+” sa Ayala Malls Cinema simula July 10 na pagbibidahan nina Maris Racal, EJ Jallorina, Gabby Padilla, Chai Fonacier, at Royce Cabrera  with special participation of Cristine Reyes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending