Donny, Cong TV na-meet sina Ryan Reynolds, Hugh Jackman: ‘Grabe ‘to!’

Donny, Cong TV na-meet sina Ryan Reynolds, Hugh Jackman: ‘Grabe ‘to!’

PHOTO: Instagram/@donny

MARAMI ang napa-wow sa latest social media post ng aktor na si Donny Pangilinan at vlogger na si Cong TV.

Paano ba naman kasi, na-meet nila in-person ang dalawang bida sa upcoming Marvel movie na “Deadpool & Wolverine” na sina Hugh Jackman at Ryan Reynolds!

Present sina Donny at Cong sa press event ng Hollywood stars kaya naman nakapagpa-picture sila na proud na ibinandera ng dalawa sa kani-kanilang social media accounts.

Sa Instagram, nagbiro si Donny na sinubukan niyang gayahin ang iconic style ni Wolverine sa picture.

“My Wolverine hair failed but iz all good [smiling face with sunglasses, movie camera emojis],” caption niya.

Baka Bet Mo: Donny Pangilinan nanligaw nga ba noon kay Kathryn Bernardo?

Same pictures ang ibinandera ni Cong sa kanyang IG page at nagbiro rin sa kanyang caption.

Wika niya, “Sinantabi muna namin ang away namin ni @donny sa basketbol para pagbigyan sila na magvideo video daw.”

Sa comment section, maraming netizens ang tila nabigla at nagulat sa socmed posts nina Donny at Cong.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Woah! Awesome stuff man [fire emoji]”

“Pasabog! [fire, clapping hands emojis]”

“Jusko sana all talaga!!!”

“OMG! That’s crazy!”

“Aghhh omg Donny with Ryan and Hugh!! what a dream!! [red heart emojis]”

Ayon sa report ng ABS-CBN News, nagkaroon ng panayam sina Donny at Cong sa Hollywood stars para sa nasabing upcoming film na ipapalabas sa Pilipinas sa darating na July 24.

Ang “Deadpool & Wolverine” ang third installment sa “Deadpool” series  at ‘yan ang kauna-unahang pelikula sa ilalim ng Marvel Studios.

Read more...