Ryan Reynolds ibabandera ang ‘imaginary friends’ sa bagong fantasy comedy film
NAGKAROON ka na ba ng tinatawag na “imaginary friends” o mga kaibigan na ikaw lang ang nakakakita?
Ganyan ang peg ng bagong fantasy comedy film ng “Deadpool” star na si Ryan Reynolds na pinamagatang “IF.”
Mula sa imahinasyon ng filmmaker at American actor na si John Krasinski, saksihan ang kakaibang mundo na kung saan ay kailangan mo munang maniwala bago ito makita.
Kalalabas lang pasilip ng pelikula at aliw na aliw na kami sa naging takbo nito.
Bukod sa mga tunay na tao, may halo rin itong animation na kung saan ay ipinakita na ang mga itsura ng ilang imaginary friends.
“‘IF’ is about a girl who discovers that she can see everyone’s imaginary friends – and what she does with that superpower – as she embarks on a magical adventure to reconnect forgotten IFs with their kids,” saad sa synopsis ng Paramount Pictures.
Baka Bet Mo: Buhay at musika ni Bob Marley ipagdiriwang sa pamamagitan ng pelikula
Wala pang petsa kung kailan ipapalabas ang pelikula sa mga lokal na sinehan, pero asahang star-studded ang mga tampok sa comedy movie.
Bukod kila Ryan at John, masisilayan din ang ilan pang mga kilalang Hollywood stars katulad nina Emily Blunt, Awkwafina, Matt Damon, Jon Stewart, Steve Carell, Phoebe Waller-Bridge, Maya Rudolph, Sam Rockwell, Christopher Meloni, Richard Jenkins, Louis Gossett Jr., at Cailey Fleming.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.