Ewww! Dahil sa dumi ng aso, magkapitbahay nagsuntukan!

Ewww! Dahil sa dumi ng aso, magkapitbahay nagsuntukan!

Ervin Santiago - July 04, 2024 - 07:00 AM

Ewww! Dahil sa dumi ng aso, magkapitbahay nagsuntukan!

Pia Cayetano, Alan Peter Cayetano at Boy Abunda

LUMALA ang tensyon sa pagitan ng magkapitbahay na sina Roberto at Fernando dahil sa usapin ng dumi ng aso at pagparada, na nauwi sa pisikal na alitan.

Sa segment ng “CIA with BA” na “Case 2 Face” nitong June 30, nagreklamo si Roberto tungkol kay Fernando na pinapupunta ang aso sa harap ng kanyang bahay para dumumi.

Lalong lumala ang sitwasyon nang harapin ni Roberto si Fernando tungkol sa sasakyan ng negosyo nito na humaharang sa kanyang bahay, na nagresulta nga sa suntukan.

Ipinaliwanag ni Fernando na ang aso ay pagmamay-ari ng kanyang landlord, at ang mga delivery ay tumatagal lamang ng ilang minuto.

Baka Bet Mo: Miles Ocampo feeling OK na matapos sumailalim sa surgery: It’s good na-detect agad kasi kung tumagal-tagal pa, baka mas lumala pa’

Ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano, ang mga legal na implikasyon, na parehong maaaring makasuhan kung aabot ito sa korte.

“‘Di ba napakasakit kung pareho kayong makakasuhan?” diin ng senador.

Parehong nagpahayag ang magkapitbahay ng kagustuhang magkaroon ng kapayapaan.

Humingi ng paumanhin si Fernando kay Roberto, na tinawag siyang “Tatay” at nagnanais ng pagkakaibigan, habang nagpakita naman si Roberto ng kahandaang resolbahin ang mga isyu nang maayos.

“Pasensya. Sorry sa lahat ng nagawa ko sa ‘yo. Kung may sama ka ng loob sa ‘kin o kung ako ma’y may sama ng loob sa ‘yo, ipagpapaliban ko na lang ‘yon, isasantabi ko na lang,” sabi ni Fernando, na sinagot naman ni Roberto ng, “Ganu’n din ako.”

Sa pagninilay-nilay sa sitwasyon, binigyang-diin ni Cayetano ang kahalagahan ng respeto at komunikasyon.

“Lumaki tayo, palagi nating naririnig, ‘It takes two to tango.’ Kapag nag-away, ‘Ah kasalanan niya, kasalanan mo,’” sabi niya. “Pero basta’t may maunang makinig muna o magpakumbaba, magpakita ng respeto, pwede talagang magkabati.”

Ibinahagi naman ni Boy Abunda ang papel ng palabas sa pag-aayos ng mga alitan nang patas.

Baka Bet Mo: Kim Rodriguez may nakaalitang kagawad dahil sa parking; napaiyak sa interview

“Ang na-realize ko na nagagawa ng ating munting palabas ay ‘yung intervention na, ‘pumunta kami dito dahil merong magme-mediate na aming iginagalang,’” sabi ng award-winning talkshow host.

“One of the functions of the show is also to provide that personality na pwede nilang pakinggan… they come to the show because they know na fair — pinag-aaralan nina Kuya Alan at Ate Pia ang mga kaso — at alam nilang maririnig nila ang tama,” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “CIA with BA” ay nagpapatuloy ng legasiya ng yumaong Sen. Rene Cayetano at napapanood tuwing Linggo ng 11 p.m. sa GMA 7, na may replay sa GTV tuwing Sabado, 10:30 p.m..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending