Isko wala sa isip ang bumalik sa politics: Pamilya muna unahin ko

Isko wala sa isip ang bumalik sa politics: Pamilya muna uunahin ko

Ervin Santiago - July 03, 2024 - 06:30 AM

Isko wala sa isip ang bumalik sa politics: Pamilya muna uunahin ko

Isko Moreno

KUMALAT ang chika sa social media na muli raw tatakbong mayor ng Maynila ang Kapuso actor at TV host na si Isko Moreno.

Naghahanda na umano si Yorme para sa magaganap na eleksyon sa 2025, base sa mga naglalabasang balita sa socmed na wala naman talagang basehan kung saan nanggagaling.

Kaya naman sa pagharap ni Isko sa ilang members ng entertainment press kamakailan para sa announcement ng “Sparkle World Tour” concert ay isa sa mga natanong sa kanya kung tatakbo ba siya uli sa pagka-mayor ng Manila ext year.

Baka Bet Mo: Kylie Padilla palaban na rin sa pagpapa-sexy; ‘Sparkle Fans Day’ bonggang Christmas treat ng GMA sa mga Kapuso

“I don’t think it’s on the top of my mind right now. I truly love serving the people. Half of my life, 24 years of working, was dedicated to public service,” simulang paglilinaw ni Yorme.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero aminado siya na may ilan siyang kinakausap na public servants na humihingi ng payo upang mas mapabuti ang pagsisilbi nila sa bayan.

“In fact, still today I continue to share some ideas to some officials of the country and some localities.

“Ngayon ipinagsasalamat ko sa Diyos kung saan man ako ngayon at ipinagpapasalamat ko sa taong bayan for giving me opportunity of service.

“At hindi iyon mawawala sa puso ko. Hindi ko lang siya masyadong iniintindi ngayon dahil I continue to fulfill my obligation as an artist of GMA 7 under Sparkle,” lahad ni Yorme.

Baka Bet Mo: Alden loyal sa TVJ: Kahit ano pang mangyari ang suporta ko po ay nasa Eat Bulaga, mahalaga sa akin ang utang na loob

Patuloy pa niya, “For the meantime, nag-eenjoy muna ako magbayad sa pamilya ko ng oras. You know, 24 years of my life doing public service, it cannot be denied that a big portion of it is pinagkait ko sa mga anak ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kaya ngayon siguro for the meantime, maunawaan naman ako ng mga tao na pamilya muna ako. Habol-habol muna nang kaunti,” dagdag pa niyang paliwanag.

Excited na si Isko sa magaganap ba “Sparkle World Tour” kung saan isa nga siya na napiling magpasaya at mag-entertain sa mga Kapuso nating OFW na matagal nang nagtatrabaho at naninirahan sa Amerika.

Makakasama si Yorme sa “Sparkle World Tour” sa USA sa August 9 at 10, kung saan hahataw din sina Alden Richards, Ai Ai Delas Alas, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, at Boobay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magkasama naman sina Alden at Boobay sa Canada leg ng tour sa August 11 at 17 habang ang mga Sparkle stars naman na sina Ruru Madrid, Bianca Umali, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Jillian Ward, Ken Chan, Betong Sumaya ay magsama-sama sa Japan sa September 1.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending