Isko Moreno naghain ng COC, tatakbong mayor ng Maynila

October 12,2018
share this

Isko Moreno naghain ng COC, tatakbong mayor ng Maynila

October 12,2018
share this

NAGTIPON ang libo-libong mga tagasuporta ni dating Manila Vice Mayor Isko Moreno sa Manila City Hall kung saan inihayag niya ang intensyong tumakbong mayor ng Maynila.

Ito’y matapos ang tatlong taong pamamahinga mula sa politika.

Inihain ni Moreno ang kanyang certificate of candidacy (COC) ganap na alas-10 ng umaga sa Manila City Hall, kasama ang kanyang running mate, at incumbent Manila City Vice Mayor Honey Lacuna.

Tatakbo sina Moreno at Lacuna sa ilalim ng “Asenso Manileno.”

Si Moreno ang unang naghain ng kanyang COC para sa pagka-mayor sa Maynila.  Inaasahang maghahain din sina dating mayor Alfredo Lim, at Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending