BUKAS na bukas pa rin ang puso ni Carla Abellana para sa bagong pag-ibig matapos dumaan sa matinding pagsubok nang maghiwalay sila ni Tom Rodriguez.
Hindi naman daw siya na-trauma sa mga pinagdaanan nila noon ni Tom pero aminado siyang napakahirap mag-move on mula sa isang failed marriage na tumagal lang ng halos tatlong buwan.
Baka Bet Mo: Ivana dumaan din sa matinding hirap: May time na wala akong raket kasi pangit ako…
Sabi ni Carla sa “Fast Talk with Boy Abunda,” sa kabila ng lahat ng nangyari, may mga magaganda pa rin namang epekto ang paghihiwalay nila ni Tom. Mas naging stronger and wiser na raw siya ngayon.
“It was a difficult journey to get to this point, but yes, definitely, confident po na sabihin na I’m happy, very happy,” sey ni Carla.
Nang tanungin kung handa na uli siyang magmahal at pumasok sa bagong relationship, “At this point po, it’s one thing na hindi ko po masyadong iniisip, especially with the amount of work that we have at very little time that we have left for ourselves to rest, recover, for personal matters, hindi po siya priority.
“Ayokong i-close po ‘yung sarili ko. I don’t want to be too bitter or too angry at the world. Ayoko din naman pong maging open.
Baka Bet Mo: Carla wala nang pakialam sa lovelife ni Tom; ayaw nang magpakasal uli
“Ayokong hanapin or habulin. Whatever comes na lang po along the way, we’ll see kung where it will take me,” aniya pa.
Nang hingan si Carla ng message para sa kanyang future partner, “Siguro ‘see you soon,’ naks! ‘I hope to meet you soon.’ Nagmadali, kakasabi ko lang na ‘di ko hinahanap, eh.
“I guess, siguro, I can’t wait to see how our paths will cross,” chika pa ni Carla.
Pitong taon naging magdyowa sina Carla at Tom bago sila nagpakasal noong October, 2021. Pero after more than two months, napabalitang naghiwalay na nga ang former Kapuso couple.
Kamakailan lamang ay ibinalita ni Carla na kinikilala na raw sa Pilipinas ang resulta ng divorce nila ni Tom sa US, “We are divorced, recognized na po ‘yan ng korte, local court po natin dito.
“Opo, ang foreign decree. We haven’t spoken since, hindi pa po kami nagkikita o nag-uusap,” aniya pa.