Tom Rodriguez may baby na raw, magiging tatay na nga ba?

Tom Rodriguez may baby na raw, magiging tatay na nga ba?

Reggee Bonoan - June 24, 2024 - 06:32 PM

Tom Rodriguez may baby na raw, magiging tatay na nga ba?

PHOTO: Instagram/@akosimangtomas

MAGIGING tatay na pala si Tom Rodriguez, base sa report ni Nanay Cristy Fermin sa “Cristy Ferminute” radio program kaninang tanghali, June 24, na napakinggan sa Radyo 5 92.3 TRUE FM kasama si Romel Chika.

“Ito po ay naba-blind item, pero wala pang tumutukoy na si Tom Rodriguez ang sinasabing aktor na babalik ulit sa Amerika dahil manganganak na ang kanyang foreigner girlfriend, kaya kailangan daw niyang umalis ulit,” bungad ng CFM host.

Dagdag pa niya, “Pero alam n’yo po dapat na magsalita rin si Tom Rofriguez kaya nga tayo ay patandang pananong ang ating teaser.  Totoo ba na magkakaroon na siya ng kanyang baby sa kanyang girlfriend?”

Kaagad naming tinanong ang taong malapit kay Tom tungkol dito at ayaw ding mabigay ng detalye dahil mas maganda nga naman kung sa aktor mismo magmula ang balitang ito.

Baka Bet Mo: Tom Rodriguez maayos ang lagay sa Amerika, miss na ang mga kaibigan sa Pilipinas

Sa madaling salita ay walang kumpirmasyon kung ano ang totoo sa balita.

 Pero ang diretsong sabi sa amin, “He has finally learned to unlove Carla (Abellana) and he is now happy with someone else.”

So, kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Matatandaang bumalik ng Pilipinas si Tom nitong January 27 lamang, base sa post ng manager niyang si Popoy Caritativo pero wala namang nabanggit kung may project siya sa GMA.

Ang nabalitaan lang namin na isa sa dahilan kaya siya bumalik ng bansa ay para ayusin na at mapawalang-bisa ang kasal nila ni Carla dito sa Pilipinas dahil nga iba ang proseso kumpara sa Amerika na ilang linggo pa lang silang naghiwalay ng ex-wife ay lumabas na agad ang divorce paper.

At sa kanyang pagbalik ay inamin nitong may dine-date siya na nagpapasaya sa kanya habang nasa Amerika at ito na nga siguro ang sinasabi ng aktor na magiging tatay na siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig nina Tom at Popoy tungkol dito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending