LIST: 5 pelikula na kaabang-abang ngayong Hulyo

LIST: 5 pelikula na kaabang-abang ngayong Hulyo

MARAMING pelikula ang maglalabasan para sa buwan ng Hulyo!

Kaya heto, nilista namin ang ilan lamang sa mga pwede ninyong abangan mula sa mga pambata, pang matanda at swak na bonding ng buong pamilya o barkada.

‘Despicable Me 4’

PHOTO: Courtesy of Universal Pictures International

Magbabalik sa big screen ang binansagang world’s favorite super villain-turned-Anti-Villain League-agent na si Gru makalipas ang pitong taon!

Ito ang latest na “Despicable Me 4” na ipapalabas sa mga lokal na sinehan sa July 3.

Bukod sa mga cute na cute na Minions, ipapakilala ang bagong miyembro sa pamilya ni Gru na si “Gru Junior.”

Baka Bet Mo: ‘Horizon: An American Saga’ ni Kevin Costner star-studded, puno ng bakbakan

“But it’s not all sunshine and roses for the family, as Gru faces a new nemesis in Maxime Le Mal and his femme fatale girlfriend Valentina, and the family is forced to go on the run,” saad sa bahagi ng synopsis sa kung ano ang aabangan sa movie.

Ilan lamang sa mga magbibigay-buhay sa mga fictional characters ay sina Steve Carrell, Kristen Wiig, Will Ferrell, Sofia Vergara, Miranda Cosgrove, Dana Gaier, Madison Polan, Joey King, Stephen Colbert, Chloe Fineman, Pierre Coffin, at Steve Coogan.

‘Fly Me to the Moon’

PHOTO: Courtesy of Columbia Pictures

For the first time, magtatambal ang dalawang bigating Hollywood stars na sina Scarlett Johansson at Channing Tatum.

Bibida sila sa romantic-comedy film na “Fly Me to the Moon” na mapapanood sa July 10.

“Set against the high-stakes backdrop of NASA’s historic Apollo 11 moon landing. Brought in to fix NASA’s public image, sparks fly in all directions as marketing maven Kelly Jones (Johansson) wreaks havoc on launch director Cole Davis’s (Tatum) already difficult task. When the White House deems the mission too important to fail, Jones is directed to stage a fake moon landing as back-up and the countdown truly begins…,” pahayag ng Columbia Pictures sa kung ano ang magiging kwento.

‘Marupok A+ (Where is the Lie?)’

PHOTO: Courtesy of Ayala Malls Cinemas

Sa July 10 na rin ang LGBT comedy-thriller film “Marupok A+ (Where is the Lie?)” na pinagbibidahan nina Maris Racal, EJ Jallorina at Royce Cabrera.

Mapapanood naman ‘yan exclusively sa Ayala Mall Cinemas.

Ang pelikula ay hango sa istorya ng tunay na buhay na nag-viral sa social media.

Kwento sa press release, “It follows Janzen Torres (EJ Jallorina), a hopeless romantic who goes on a dating app and matches with the seemingly perfect Theo Balmaceda (Royce Cabrera). On the day of their first date, Janzen gets ghosted. This then leads to an intricately-planned web of deceit, lies, and catfishing. A sociopathic mastermind named Beanie Landridos (Maris Racal) is behind all of Janzen’s struggles.”

Baka Bet Mo: Pia na-‘stuck’ sa elevator, pero todo-awra pa rin sa 4 fashion events

 

‘Twisters’

PHOTO: Courtesy of Warner Bros. Pictures

Magkakaroon ng bagong pelikula ang 1996 disaster movie na “Twister.”

Ang sequel niyan ay masisilayan na sa darating na July 17 at binigyan ng titulong “Twisters.”

Pinagbibidahan naman ito nina Daisy Edgar-Jones, Glen Powell, Anthony Ramos, at David Corenswet.

Kung aware kayo sa istorya ng original film, tungkol ito sa storm chasers na sinubukang i-deploy ang tinatawag nilang “revolutionary” tornado-monitoring device nang bigla nilang na-encounter ang “deadly tornadoes” sa Oklahoma sa kasagsagan ng tornado season.

Narito ang synopsis ng Warner Bros. Pictures:

“Kate Cooper, a former storm chaser haunted by a devastating encounter with a tornado during her college years, who now studies storm patterns on screens safely in New York City. She is lured back to the open plains by her friend, Javi, to test a groundbreaking new tracking system. There, she crosses paths with Tyler Owens, the charming and reckless social-media superstar who thrives on posting his storm-chasing adventures with his raucous crew, the more dangerous the better.”

‘Trap’

PHOTO: Courtesy of Warner Bros. Pictures

Kaabang-abang din ang thriller film na may titulong “Trap” mula sa direksyon ni M. Night Shyamalan.

Ang bibida sa upcoming movie ay ang American actor na si Josh Hartnett. 

Tampok rin diyan sina Ariel Donoghue, Saleka Shyamalan, Hayley Mills, at Allison Pill.

“A father and his teen daughter attend a pop concert, only to get caught in the center of a dark and sinister event,” kwento ng Warner Bros. Pictures.

Read more...