Carla wala nang pakialam sa lovelife ni Tom, ayaw nang pakasal

Carla wala nang pakialam sa lovelife ni Tom; ayaw nang magpakasal uli

Ervin Santiago |March 24,2024
facebook
share this

Carla wala nang pakialam sa lovelife ni Tom; ayaw nang magpakasal uli

Ervin Santiago - March 24, 2024 - 07:15 AM

Carla wala nang pakialam sa lovelife ni Tom; ayaw nang magpakasal uli

Carla Abellana at Tom Rodriguez

HINDI na nakikita ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang kanyang sarili na nagpapakasal kahit pa makatagpo uli siya ng bagong lalaking mamahalin.

Ayon kay Carla, nagbago talaga ang pananaw niya tungkol sa kasal matapos mawasak ang marriage nila ng ex-husband na si Tom Rodriguez na tumagal lamang ng ilang buwan.

Sabi pa ng aktres, bukas pa rin naman daw ang kanyang isip at puso sa panibagong relasyon pero hindi na niya gusto ang magpakasal at magpatali sa isang lalaki.

Baka Bet Mo: Carla nasasaktan pa rin sa paghihiwalay nila ni Tom: Hindi naman to ‘yung tipong nanakawan ka lang ng gamit, di ba?

“Love, definitely po Tito Boy. I mean ang love po hindi lang ‘yan romantic lang. Love is all around us, there’s family love, love for your career, everything, napakadami po niyan.

“I feel that, I still believe in love,” ang pahayag ni Carla sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”.

Dugtong pa niya, “Aminin ko po ang daming nag-change ‘yung mga perspective ko po, especially with marriage.

“‘Yun po ang medyo nag-iba po ang aking pananaw or paningin pagdating sa marriage.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)


“I really honestly I don’t see myself getting married again. Nag-iba po eh, nabulabog ang aking concept,” lahad pa ni Carla.

Samantala, ready naman si Carla kapag dumating ang araw na magkrus ang landas nila ni Tom. Wala raw problema sa kanya kung sakaling magkita uli sila nang personal ng dating asawa.

Baka Bet Mo: Carla sa nalalapit na kasal nila ni Tom: May mga times na nakakatakot, pero…

Sa panayam ng “24 Oras”, natanong si Carla kung ano ang reaksyon niya sa rebelasyon ni Tom na meron na siyang bagong idine-date na girl.

“I don’t see the need to comment or even react. Parang it’s not any of my concern anymore, parang ganu’n. Kumbaga I am aware naman na nakabalik na siya,” pahayag ng aktres.

Aniya pa, “Kung dahil sa trabaho, prepared naman ako. Nasabi ko naman na ‘yun na kung mag-krus ang landas namin, whether sa studio or what, guesting kung ano man ‘yan, prepared naman ako for that.

“Pero you know, I’ll just be myself. I’ll let him be,” dagdag pahayag ng aktres.

Kababalik lamang ni Tom sa Pilipinas makalipas manirahan sa Amerika nang halos tatlong taon. Doon siya namalagi mula nang maghiwalay sila ni Carla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa aktor, naka-move on na siya totally sa breakup nila ni Carla at “100% healed” na raw siya sa mapait na paghihiwalay nila ng nakahiwalay na asawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending