Dolphy inalok ng kasal si Pilar Pilapil; niligawan nga ba ni FPJ?

Dolphy inalok ng kasal si Pilar Pilapil; nligawan nga ba ni FPJ?

Dolphy, Pilar Pilapil at Fernando Poe, Jr.

INALOK pala ng kasal ng namayapang komedyante at movie icon na si Mang Dolphy ang beteranang aktres na si Pilar Pilapil.

Ito ang kuwento ni Ms. Pilapil sa panayam niya sa vlog ni Snooky Serna na in-upload sa YouTube channel nito Sabado ng gabi.

Sa segment na “Flash the Movie” sa vlog ni Snooky ay may mga poster ng mga lumang pelikulang nagawa ni Pilar noong kabataan niya at saka magbibigay ng komento ang aktres kung ano ang naalala niya sa mga ito.

Baka Bet Mo: Pilar Pilapil may problema sa mga youngstar na hindi handa sa mga eksena


Ipinakita ang pelikulang “El ‘Pinoy Matador” (1970) na unang pagtatambal nina Pilar at Mang Dolphy.

Aniya, “Yeah, that’s quite memorable, that was my first encounter with love.”

Nagulat at napatingin si Kookie kay Pilar sabay tanong ng, “Tita, first love mo ba si Tito Dolphy?”

“Actually, that was my first serious involvement, (and) he wanted to marry me but my father, my parents especially my father, I was very young, so, they were very much against it, so, I had no other choice,” nakangiting sambit ng aktres.

Baka Bet Mo: Moi Bien nagulat sa sampal ni Pilar Pilapil kahit rehearsal pa lang: Ang sakit!

May eksenang ipinakita sa “El Pinoy Matador” na mahal nina Pilar at Mang Dolphy ang isa’t isa na totoong nangyari pala sa tunay na buhay.

Ipinakita rin ang pelikulang “Ang Alamat” (1972) produced by Fernando Poe, Jr. at siya rin ang leading man ni Pilar.


Nakatawang sabi ng aktres, “He was a kind man, compassionate, very loving, a lot of loving, I think he gave it to a lot of women. Ha-hahaha.”

Natunugan ni Snooky ang ibig sabihin, nanligaw ba si FPJ kay Pilar?

“Ay, naku, lahat naman sila (leading men), eh, ‘di ba? I mean you know, I don’t blame them, do you?” natatatawang sagot ulit ni Pilar na ikinatawa rin ni Snooky.

“I don’t, I’ll be surprised if he did not,” say din ng host.

At sa segment na “Pick A Name” ay nabunot niya ang pangalan ni Da King.

“Oh, Fernando Poe, Jr. Ha-hahaha!  Ronnie was my first producer by the way. When I just came back from the Miss Universe contest, he asked his production manager to go to Cebu and look for me.

“Talagang ano, siguro he’s really eyed on me (or) probably he saw something, so, Fernando (or) Ronnie, you have good taste!” diretsong sabi ni Pilar.

Pangalan naman ni Mang Dolphy ang next na nabunot, “Ha-hahaha! Ikaw talaga. Dolphy was a real person and I thanked him for all the love, he was a very loving person.”

Read more...