Pilar Pilapil may problema sa mga youngstar na hindi handa sa mga eksena
MAY mga kabataang artista na nakakatrabaho ang veteran actress na si Pilar Pilapil na talagang kinakausap niya kapag may nakikita siyang mali o sablay.
Pambubuking ng premyadong seasoned actress, napapansin niya na may mga youngstars daw na hindi nagpe-prepare para mas mapaganda at mapadali ang kanilang trabaho.
Karaniwang nagiging problema raw sa shooting o taping ay yung mga artistang hindi handa pagdating sa mga dialogue o linyahan sa kanilang mga eksena.
“Some of them are good though. Ang problema ko lang kung minsan hindi sila masyadong nagpo-focus sa lines nila,” ang pahayag ni Pilar Pilapil sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon.
“Like for instance, before I go to the set, I prepare myself, as far as the role is concerned, and I really, really prepare my dialogues and all of that.
Baka Bet Mo: Charo Santos lang SAKALAM: Buti pa siya natagpuan si Eva Darren sa FAMAS
“You have to be able to be prepared in every way,” ang pagbabahagi pa ng beteranang aktres.
May mga pagkakataon daw na kapag may mga batang artista siyang kaeksena at hindi pa kabisado ang mga linya pagdating sa actual shoot, ay talagang pinagsasabihan niya ang mga ito.
“Minsan kinakausap ko ‘yan. Privately lang. Kinakausap in the sense na, I make it come out like it’s an advice,” pahayag ng veteran star.
Sa mga hindi pa masyadong aware, bukod sa paging magaling na aktres, itinanghal din si Pilar Pilapil bilang Binibining Pilipinas Universe noong 1967. Bumida siya sa napakaraming pelikula mula pa noong dekada 70.
Isa siya sa mga recent teleserye na nagawa niya ay ang Kapuso primetime series na “First Yaya” at “First Lady” na pinagbidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.
Nakagawa rin siya ng isang libro na may title na “A Woman Without A Face.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.