Rachel sinabihan ni Dolphy ng, 'hindi marunong rumespeto'

Rachel Alejandro sinabihan ni Dolphy ng, ‘hindi marunong rumespeto’

Ervin Santiago - April 22, 2024 - 09:32 AM

Rachel Alejandro sinabihan ni Dolphy ng, 'hindi marunong rumespeto'

Dolphy at Rachel Alejandro

NAKARAMDAM ng sobrang pagka-guilty ang OPM artist na si Rachel Alejandro nang masaktan niya ang damdamin ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

Nangyari ito noong nakasama niya ang TV at movie icon sa isang proyekto pati na ang ilan pang veteran stars ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Kuwento ni Rachel, hindi siya aware na  nagtampo pala sa kanya ni Mang Dolphy nang dahil sa pagiging seryoso at sobrang focus niya sa trabaho. Inakala tuloy ng mga katrabaho niya na suplada siya at hindi namamansin.

“Medyo na-misinterpret nila ‘yung seriousness of the face. As they say ‘di ba, ‘resting b**** face,’” lahad ni Rachel sa “Fast Talk with Boy Abunda”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rachel Alejandro (@racheljalejandro)


“So driven. And I’m always thinking of what I’m going to do, hindi ako puwedeng magkamali, to the point na unfortunately may legends in the industry na minsan nadadaanan ko sila sa hallway tapos hindi ko napansin dahil I’m thinking about my lyrics. Na-offend sila,” paliwanag pa niya.

Nalaman ni Rachel na isa sa mga nagsabing hindi siya namamansin at nagbibigay-pugay sa mga veteran stars ay si Mang Dolphy.

“Sabi niya, ‘Iyang si Rachel Alejandro hindi marunong magbigay ng respeto.’ Tapos talagang ‘Tito Dolphy!’ talagang apologies. ‘I didn’t see you,’” sey ng actress-singer.

Mula raw noon ay naging aware na si Rachel sa mga kaganapan sa paligid niya. Natutunan na raw niya ang ngumiti at mamansin sa mga tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jorence Delimos (@moveslikejorenz)


“That would happen before, that does not happen anymore. Kasi now, as an older person I know na na I’m in the room, I have to greet everyone, I have to smile.

“Kasi alam ko na eh na ate, hindi ganu’n ka-friendly ang mukha mo, kailangang gumanu’n (ngumiti). Automatic na siya sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Alam ko nang matapang ang fez (face), so kailangan may smile. Hindi pupuwede ‘yung nakaganu’n (nakangiti) lang o nakatanga because then it will be misinterpreted as being upset,” paliwanag pa ni Rachel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending