Abogado ni Bea tinawag na harassment ang demanda ng dating driver

Abogado ni Bea tinawag na harassment ang demanda ng dating driver

Bea Alonzo

SUMAGOT na ang abogado ni Bea Alonzo sa isyung sinampahan ng reklamo ang aktres ng dating driver na si Efren Torres delos Reyes, Jr. sa NLRC Department of Labor and Employment.

Kinuwestiyon ni Atty. Joey Garcia ng Garcia Elauria Ruanto & Associates ang motibo ng complainant at ang timing ng pagsasampa nito ng demanda.

Matatandaang sa inireport ng programang “Cristy Ferminute” ni ‘Nay Cristy Fermin nu’ng Biyernes, Hunyo 27 sa Radyo 5 92.3 TRUE FM ay inireklamo si Bea ni Efren dahil sa hindi nito pagbibigay ng night shift differential pay, overtime pay, holiday pay, separation pay at 13th month pay.

Baka Bet Mo: Kim delos Santos matinding pambu-bully ang naranasan bilang nurse sa US: Iniiyakan ko siya…

Inakusahan din niya si Bea ng illegal dismissal, maltreatment at harassment.

Nabanggit pa ng “CFM” host na isa sa mga araw na ito ay magkikita sina Bea at Efren sa DOLE para magkausap tungkol sa mga reklamo ng dating driver.

Pero hindi ito kinagat ni Atty. Joey Garcia dahil sa tingin niya ay harassment ito, “The timing of Mr. Delos Reyes’ filing of the labor case is highly suspect.

“Since he was made a witness to one of the respondents among the criminal cases we filed not to mention him being a lover as admitted, then the intent behind said filing & the timeliness of such filing are too obvious not to be noticed.


“His acknowledgment of being involved as a lover clearly magnifies his bias and undermines his credibility which  yet again puts into question or doubt the true intent behind his & her lover-respondent’s legal maneuvers,” sabi pa.

At dito ipinagtapat ng abogado ng aktres na wala pang isang taong nanilbihan si Efren bilang drayber sa pamilya ni Bea at hindi bilang personal niya.

Baka Bet Mo: Rebelasyon ni Louise delos Reyes sa relasyon nila noon ni Alden Richards: ‘Kapag nag-aaway kami, para kaming magdyowa’

“For the record, Mr. Delos Reyes only served as service driver of the family and only for a short period of 3 months, he was not even assigned as Bea’s personal driver, for her professional engagements. Thus, his claims seem farfetched, unreasonable, if not unrealistic.

“It’s nothing but a pure harassment case, a desperate attempt to sponge off, an obvious act capitalizing on the criminal case,” pahayag ng abogado.

Samantala, nabalita rin na pinaalis ni Bea ang ilang kasambahay niya ilang araw pagkatapos siyang bigyan ng cakes at balloons noong Araw ng mga Puso, Pebrero 14, ngayong taon.

Nakasama raw dito ang drayber ng dalaga dahil duda nito, ito ang nagkukuwento sa nanay niyang si Gng. Maryann Ranolio ng mga nangyayari sa anak kapag nasa Manila.

Ang kasintahan naman ng drayber ang nagkuwento kay ‘Nay Cristy na kapag nagasgasan o nabangga ang sasakyan ni Bea ay ang drayber ang pinagbabayad.

Kaya ang sabi noon ni ‘Nay Cristy, “Ang tanong ko, bakit, wala bang insurance ang kanyang sasakyan?”

Aabangan ng BANDERA ang statement ng drayber tungkol sa sinabi ni Atty. Joey Garcia na three months lang nagsilbi si Efren Torres delos Reyes, Jr. sa pamilya ni Bea at hindi sa kanya mismo.

Read more...