Jed, Ogie, Rampa Reynas, 2 young artist eeksena sa 7th EDDYS

Jed, Ogie, Rampa Reynas, 2 pang young artist eeksena sa 7th EDDYS

Ervin Santiago - July 01, 2024 - 08:35 AM

Jed, Ogie, Rampa Reynas, 2 pang young artist eeksena sa 7th EDDYS

Ogie Alcasid, Rampa Reynas at Jed Madela

SINU-SINO ang tatanghaling pinakamagagaling at karapat-dapat na magwagi sa pinakaaabangang 7th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd)?

Nakaabang na ang lahat sa idaraos na Gabi ng Parangal para sa ika-7 edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice na magaganap sa July 7, 2024, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City.

Mapapanood ang kabuuan ng awards night sa delayed telecast nito sa ALLTV sa July 14, 10 p.m. na muling ididirek ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.

Baka Bet Mo: Cast ng ‘Mallari’ at ‘Gomburza’ sama-samang nag-party, pero wala si Piolo

Magiging bahagi ng 7th The EDDYS ang award-winning singer na si Jed Madela, ang kauna-unahang Filipino artist na itinanghal na World Championships of Performing Arts winner.


May espesyal ding partisipasyon ang premyadong Ultimate Singer-Songwriter at TV host na si Ogie Alcasid na siguradong tatatak sa mga manonood.

Isang pasabog na production number din ang hatid ng mga drag queens na Rampa Reynas at ng mga promising young artists na sina Elisha Ponti at Andrea Gutierrez.

Magsisilbing host sa magaganap na awards night ang itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS na si Janine Gutierrez (para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin?) kasama ang Kapuso Millennial It Girl na sina Gabbi Garcia at movie at TV actor Jake Ejercito.
Magiging red carpet host ang radio veteran host na si Mr. Fu.

Inaasahang mas magiging matindi ang labanan sa ikapitong edisyon ng The EDDYS. Magbabakbakan ang limang de-kalibreng pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at online platform nitong nagdaang taon na gumawa ng ingay at nagmarka sa mga manonood.

Baka Bet Mo: Janine, Gabbi, Jake sanib-pwersa bilang host ng 7th EDDYS sa July 7

Ang mga nominado sa kategoryang Best Film ay ang “About Us But Not About Us” (The IdeaFirst Company, Octoberian Films, Quantum Films); “Firefly” (GMA Pictures, GMA Public Affairs); “GomBurZa” (Jesuit Communications, MQuest Ventures, CMB Film Services); “Iti Mapukpukaw” (Project 8, GMA News and Public Affairs, Terminal Six Post) at Mallari” (Mentorque Productions, Clever Minds Inc.).


Nominado naman sa kategoryang Best Director sina Derick Cabrido (Mallari); Pepe Diokno (GomBurZa); Zig Dulay (Firefly); Jun Robles Lana (About Us But Not About Us); Carl Joseph Papa (Iti Mapukpukaw).

Magpapatalbugan sa pagka-best actress sina Kathryn Bernardo (A Very Good Girl); Charlie Dizon (Third World Romance); Julia Montes (Five Breakups And A Romance); Marian Rivera (Rewind); Vilma Santos (When I Met You In Tokyo); at Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes).

Nominado naman sa Best Actor category sina Elijah Canlas (Keys to the Heart); Dingdong Dantes (Rewind); Cedrick Juan (GomBurZa); Piolo Pascual (Mallari); Alden Richards (Five Breakups And A Romance); Romnick Sarmenta (About Us But Not About Us).

Para sa kategoryang Best Supporting Actress nominado sina Dolly de Leon (Keys to the Heart); Alessandra de Rossi (Firefly); Gloria Diaz (Mallari); Gladys Reyes (Apag); at Ruby Ruiz (Langitngit).

Sa Best Supporting Actor category maglalaban-laban sina Enchong Dee (GomBurZa); Keempee de Leon (Here Comes The Groom); Nanding Josef (Oras de Peligro); Roderick Paulate (In His Mother’s Eyes); at JC Santos (Mallari).

Ang 7th The EDDYS ay gaganapin sa darating na July 7, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City.

Ang Brightlight Productions ang line producer ng awards night sa July 7, 2024.

Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom bilang major sponsor.

Katuwang din ng grupo ngayong taon ang Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Camille Villar, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Emelette Gorospe, Rowena Gutierrez, Kamiseta at ang Echo Jam.

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending