Cast ng 'Mallari' at 'Gomburza' sama-samang nag-party

Cast ng ‘Mallari’ at ‘Gomburza’ sama-samang nag-party, pero wala si Piolo

Reggee Bonoan |December 29,2023
facebook
share this

Cast ng ‘Mallari’ at ‘Gomburza’ sama-samang nag-party, pero wala si Piolo

Reggee Bonoan - December 29, 2023 - 11:13 AM

Cast ng 'Mallari' at 'Gomburza' sama-samang nag-party, pero wala si Piolo


Bryan Dy at ang cast members ng ‘Mallari’ at ‘Gomburza’

NAKI-PARTY ang cast ng pelikulang “Gomburza” na sina Enchong Dee, Elijah Canlas at Cedrick Juan kasama ang direktor nilang si Pepe Diokno sa grupo ng “Mallari The Movie.”

Ginanap ito sa Pool and Bar Lounge ng Novotel Manila, Araneta City pagkatapos ng Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal nitong Miyerkules, Disyembre 27.

Naiuwi ng “Gomburza” ang 2nd Best Picture award, Best Director, Best Cinematography, Best Production Design, Best Sound Design, Best Actor at Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award.

Sa nasabing venue ang “Wrap Party” ng “Mallari The Movie” headed by Mentorque President and CEO na si John Bryan Diamante kung saan kasama ang buong staff and crew bilang pasasalamat na rin para mabuo ang pelikulang pinagbidahan ni Piolo Pascual kasama sina JC Santos, Elisse Joson, Janella Salvador at Ms. Gloria Diaz mula sa direksyon ni Derick Cabrido.

Kaya ang saya-saya ni Bryan nu’ng gabi dahil nakapag-uwi sila ng apat na awards tulad ng Best Supporting Actor, Best Musical Score, Best Visual Effects at 3rd Best Picture.

Hanggang sa nakita na lang naming pumasok na sa venue sina Cedric, Elijah, Enchong at direk Pepe at iba pang kasama nila at nagbigay-pugay kay Bryan at ipinakilala nila isa-isa ang kanilang mga sarili.

Baka Bet Mo: Cedrick Juan super cry nang manalong best actor sa MMFF 2023; may panawagan

Natanong namin si Enchong kung bakit sila naroon, kasi nga ang alam namin ay exclusive party iyon.

“Nasaraduhan na kami nu’ng venue na dapat na pupuntahan namin, eh. E, nabalitaan naming maraming drinks dito at food kaya nandito kami. Ha-hahaha!” sabi ng aktor.

Nakakatuwa naman dahil ang gandang tingnan na nagkakatsikahan ang mga artista ng “Mallari” at ng “Gomburza” at may pictorial pa sila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mentorque Productions (@mentorqueproductions)


Nagkabiruan pa nga na sana’y makagawa rin ang grupo ng “Gomburza” sa Mentorque Productions lalo na si Enchong na kinukulit na ang caster ng “Mallari.”

Baka Bet Mo: Vilma, Cedrick Juan best actress at best actor sa MMFF 2023; Firefly Best Picture

Anyway, saya-sayahan lang ang ganap nu’ng gabi at bumaha talaga ng drinks na in fairness ay wala naman kaming nakitang tumumba.

Hindi pala nakasama si Piolo sa wrap party dahil maaga siyang natulog.  Kinabukasan kasi ay maaga pa ang call time niya para sa mall show ng “Mallari” sa SM Batangas, SM Sto. Tomas, SM Lipa at Fishermall Q.C. kahapon, Huwebes.

Nauna na kaming umuwi ng 4 a.m. at iniwan na namin ang lahat na nagkakasayahan pa tulad nina JC, Direk Pepe, Elijah at Cedrick. Hindi naman namin nakita na si Enchong na mukhang tumakas na at ayaw mapuyat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ipinost naman ni Bryan ang larawan ng grupo sa kanyang Facebook account na may caption na, “#Mallorza? or #Gombullari? Congrats Everyone!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending