Cristine: Mahal ko pa rin si Derek at mahal din niya ko! | Bandera

Cristine: Mahal ko pa rin si Derek at mahal din niya ko!

- November 08, 2013 - 03:00 AM

CRISTINE REYES AT DEREK RAMSAY

SINUSUMPONG ng acid reflux si Cristine Reyes kaya hindi na niya inabot ang Q and A sa presscon ng “When The Love Is Gone” kasama sina Gabby Concepcion, Andi Eigenmann at Jake Cuenca with direk Andoy Ranay at scripwriter Keiko Aquino. Hindi naman nakarating si Alice Dixson dahil nasa Amerika pa.

Sa solo interview na lang pinagtatanong ang aktres tungkol sa ilang isyu sa kanya. Kumusta na sila ni Derek Ramsay after the break-up? “Masaya ako na back to normal kami. Ganu’n naman talaga kami ni Derek e, ever since. After namin na magkatrabaho sa “No Other Woman”, naging magkaibigan kami, wala namang nabago,” sagot agad ng dalaga.

Kaagad idinugtong ni Cristine na, “sa Hawaii, nagkaroon kami ng bonding time. Magkasama kami doon halos, hindi naman buong trip. After ng show, nag-bonding na kami.”

Ano nga ba ang dahilan ngpaghihiwalay nila ni Derek? “Ano ba ang sinabi niya?” balik-tanong ng aktres. Sinabi sa dalaga na walang binanggit ang aktor ay saka sumagot din ng, “Wala rin po akong sasabihin.

“Kasi, wala rin naman po talagang dahilan na major. Walang third party, walang hulihan, na tulad ng nasusulat ng iba. Kasi, kung may ganung eksena, magiging magkaibigan ba kami?” diin ng dalaga.

“Siguro, ‘yon nga po, nandito kami o nandito ako sa point na parang kailangan ko muna i-grab yung opportunities kung ano ang meron kami ngayon. And siya rin, pareho naman kami na parang ayaw din naman namin masyadong magtagal. I mean, gaya ngayon, while the iron is hot, di ba, i-grab na,” sey ng aktres.

Walang pagsisi sa parte raw ni Cristine, “Wala kaming regrets, wala naman. Kasi, at least, di ba, tinray namin?” saad pa. Pero natawa kami sa dagdag niyang sagot na dahil nga napagkakamalan na silang mag-on maski hindi naman kaya, “Kasi, alam mo ‘yung lahat na lang ng tao pine-pressure kami na,‘O, ba’t di na lang kayo?’

“Parang, ‘Magkaibigan nga kami, magkaibigan nga kami.’ Yung mga tao, parang ayaw nila maniwala na magkaibigan kami. Trinay namin, o tingnan ninyo kung ano ang nangyari?” napangiting sabi ng aktres.

At ang na-post nilang “forever” sa Instagram ay hindi pa pinanghinayangan ng aktres? “Hindi kami manghihinayang kasi forever kaming magkaibigan,” maagap niyang sagot.

Hindi rin daw maaapektuhan si Cristine maski sino pa ang i-link kay Derek dahil mas kilala niyang mabuti ang aktor, “Ako, sobrang respeto ko kay Derek, na alam kong hindi niya ‘yon magagawa sa akin. Kahit ano man ang marinig ko, mabasa ko, hindi ako maniniwala kasi kilala ko si Derek,” panigurado ng isa sa bida ng “When The Love Is Gone”.

Mas okay ba ang maging single? “Masarap kasi na sa ‘yo ang lahat ng time mo, e. Dati, parang gusto ko ang may boyfriend. Pero ngayon kasi, nagagawa ko ang lahat ng gusto ko. Wala kang iniintindi, sarili mo lang, priorities mo in life.”

Tinanong namin kung may pag-asa bang sila ulit ni Derek? “As of now siguro, ayaw kong magsalita ng tapos, ayaw kong sabihin na wala na talaga o hindi na talaga, tingnan natin, kasi okay naman kami, so tingnan natin,” say pa.
The Love is Gone na ba kay Derek? “Hindi naman, hindi naman nawawala ‘yun kasi mahal ko talaga siya at alam naman niya ‘yun at alam ko na mahal din niya ako. Basta okay kami at magkaibigan kami,” sabi pa ni AA.

At tungkol naman sa pelikulang “When The Love Is Gone”, siyam pala ang love scenes nila ni Gabby kaya’t tiyak na enjoy na enjoy ang lahat ng manonood dahil isa ito sa inaabangan kapag si Cristine ang bidang babae dahil nga maraming nagpapantasya sa kanya.

Kaya tanong namin kung ano ang mas matinding love scenes ang ginawa niya, itong sa kanila ni Gabby o sa “No Other Woman”., “Ay ito, kasi ‘yung sa No Other (Woman) naman, wala lang naman, kung baka ipinilit lang para matapos, ito hindi, eh,” mabilis na sagot ni AA.

Sa tanong kung saan siya nahirapan sa siyam na love scenes nila ni Gabby, “Sa may dagat, kasi sa ilalim ng tubig ‘yun, eh.”

Kaya pala hindi naitago ni Gabby na napangiti ng husto ng tanungin ang tungkol sa nasabing mga eksena, basta ang tanda naming sagot ng aktor, “Trabaho lang, buti na lang, one inch smaller ang suot kong underwear para hindi mahalata, lalaki tayo, hindi maiiwasan talaga.”

So, alam mo na bossing Ervin kung ano ‘yun? (Ha-hahaha! Naman! -Ed)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending