David nakipag-makeout sa sinehan; natutulog nang hubo't hubad

David umaming nakipag-makeout sa sinehan; natutulog nang hubo’t hubad

Ervin Santiago - June 30, 2024 - 07:34 AM

David umaming nakipag-makeout sa sinehan, natutulog nang hubo't hubad

David Licauco

MARAMING nakakalokang rebelasyon ang Pambansang Ginoo na si David Licauco nang mag-guest siya sa “Fast Talk With Boy Abunda”.

Bukod sa pag-amin na “taken” na siya ngayon ay may iba pang pasabog na sagot ang leading man ni Barbie Forteza nang sumabak siya sa “Fast Talk” segment ng show ni Tito Boy.

Para kay David, ang ideal age niya sa pagpapakasal ay 35 or 36 at kinikilig daw siya kapag nakikita at nakakasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Baka Bet Mo: David Licauco mas naging maingat ngayon dahil sa titulong Pambansang Ginoo: ‘Pangit naman magpakita ng masamang bagay sa mga kabataan’

Mas gusto rin daw ng Kapuso heartthrob ang “kissing over cuddling” at nang tanungin ni Tito Boy kung ano ang kanyang “ideal woman to love is,” ang answer ni David, “Someone who is smart and understanding.”

“Guilty” ang naging sagot ng binata nang tanungin kung naranasan na niya ang  makipag-“making out” sa loob ng sinehan at kung may ex-dyowa siyang tinawagan habang lasing.

And yes, nagawa na rin ni David ang makipagkumprontahan sa isang tao nang dahil sa babae at nakatulog na rin daw siya nang hubo’t hubad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Inamin din ng Kapuso star na may isang aktres siyang niligawan noon pero hindi niya nabanggit kung sinagot ba siya nito o basted.

Baka Bet Mo: Markki Stroem kinasuhan ang namirata ng mga ‘hubo’t hubad’ na litrato

Natanong din ang ka-loveteam ni Barbie kung paano siya ma-in love noong bata-bata pa siya, “When I was younger, as long as maganda, chinita, at saka masaya kausap…

“So, parang kapag masaya kausap, minsan parang feeling mo in love ka na, e. Kapag bata ka pa, di ba? Feeling ko, dapat swak lang kayo palagi. If it’s hard, goodbye, kapag bata ka,” sabi pa ni David.

Pero ngayon, ibang-iba na raw ang pananaw ng Kapuso heartthrob pagdating sa usaping love.

“I think you have to empathize with your partner and for sure marami kasing problema along the way.

“Kailangan mo lumaban, kailangan mo intindihin kung saan nanggagaling yung partner mo,” sabi pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So now talaga, mas naging ano ako eh, siguro understanding. Kailangan na noon,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending