Jodi ipinasilip ang ‘look test’ nila ni Jericho: ‘Kinakabahan pa rin ako!’

Jodi ipinasilip ang 'look test' nila ni Jericho: ‘Kinakabahan pa rin ako!’

PHOTO: Instagram/@jodistamaria

KAKAIBANG kilig ang hatid ng latest social media post ng award-winning actress na si Jodi Sta. Maria.

Ipinasilip niya sa Instagram ang tila look test nila ng Asian Drama King na si Jericho Rosales, bilang sila ang bibida sa upcoming revenge series na “Lavender Fields.”

Aminado si Jodi na sabik na sabik na siya sa bagong project, pero nakakaramdam pa rin siya ng kaba.

“Stepping in the room filled with familiar faces and new ones too has brought much excitement to me. Kinakabahan pa rin ako at the same time, excited for #LavenderFields,” caption niya sa IG.

Kwento ng aktres, “Nakakatuwang experience ang first script reading because we didn’t know what to expect. Everybody brought something different to the table.”

Baka Bet Mo: Kristine payag makatrabaho muli si Jericho, pero may mga kondisyon?

“I am proud to be working with these brilliant actors who will breathe life to the characters that shape the story of Lavender Fields,” Patuloy ni Jodi.

Masayang wika pa niya, “Malapit na! [blushing happy face emoji]”

Bukod kina Jodi at Jericho, makakasama rin nila ang aktres na si Janine Gutierrez.

Samantala, ang “Lavender Fields” ang magsisilbing television comeback ni Jericho makalipas ang anim na taon.

Nauna nang inanunsyo ng Dreamscape Entertainment na ang gagampanan ng aktor ay bilang si “Tyrone De Vera.”

Sa isang interview with ABS-CBN, sinabi ni Jericho na very excited na siyang magbalik-telebisyon matapos ang matagal-tagal niyang pagpapahinga sa showbiz.

“For me, timing is everything. It’s the perfect project, something that is aligned sa goals ko for my career now in film, TV, and streaming,” sambit niya sa panayam.

Kung maaalala, Taong 2019 pa nang huling bumida ang Asian drama king sa melodrama na “Halik” kasama sina Sam Milby, Yen Santos, at Yam Concepcion.

Read more...