Aktor PH inendorso na si Ate Vi para maging National Artist

Aktor PH nina Dingdong inendorso na si Ate Vi para maging National Artist

Ervin Santiago - June 29, 2024 - 12:41 AM

Aktor PH nina Dingdong inendorso na si Ate Vi para maging National Artist

PORMAL nang naghain ng nominasyon ang grupong Aktor PH (League of Filipino Actors) para gawing National Artist for Film and Broadcast Arts ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.

Sa pangunguna nina Dingdong Dantes at Piolo Pascual, naniniwala ang kanilang organisasyon na ito na ang tamang panahon para kilalanin ang mga naiambag ng Star for All Seasons sa entertainment industry.

Humarap ang Kapuso Primetime King sa isang presscon ngayong araw, June 28, na ginanap sa Manila Hotel para ibandera ang magandang balita sa sambayanang Filipino.

Inisa-isa ng premyadong aktor ang mga dahilan kung bakit karapat-dapat na tanghaling National Artist si Ate Vi. At bukod daw sa Aktor PH, may more than 20 organization at indibidwal pa ang nagsusulong sa nominasyon ng movie icon.

“May ongoing movement na eh. Hindi lang naman ito nagsimula sa amin, and I’m sure matagal na ito. Gaya ng nabanggit ko kanina, may 20 plus organizations that are also pushing for this and we’re just one of them,” sabi ng Aktor PH board member.

Baka Bet Mo: Dingdong maibibigay na ang bonggang health package para sa mga miyembro ng AKTOR PH

Dagdag pa niya, “She’s a protector of the community and, most importantly, a nation builder. Kung mayroon kang mga ganitong guiding principles, exemplified and brought to life literally by a person in the person of Vilma Santos, at sasabihin mo, ‘Ito ‘yung pamantayan eh.’”

“And on that note, we wholeheartedly endorse the nomination of Rosa Vilma Santos-Recto to the Order of National Artists for Film and Broadcast,” lahad pa ni Dingdong na hinirang na Box-Office Hero para sa 7th EDDYs Award para sa pelikulang “Rewind.”

“Renowned for her breathing life into roles described as women of substance, she has garnered numerous awards from prestigious bodies, whether here, local or international, solidifying her status as the most awarded actress in Philippine cinema history.

“Beyond the accolades, sa likod at sa kabila po ng mga iyon, Vilma Santos continues to leave an indelible mark on our cultural landscape, portraying iconic roles that deeply resonate with the Filipino psyche,” ang pagbabandera pa ng aktor sa mga achievements ni Ate Vi.

Ilan sa mga hindi mabilang na pelikula ng aktres ay ang “Trudis Liit” kung saan nakuha niya ang kanyang first acting award bilang Best Child Actress noong 1963 sa FAMAS Awards; “Darna” (1973) at “Dyesebel” (1973).

Nanditan din ang mga premyado at makabuluhan niyang mga pelikula na “Relasyon” (1982), “Sister Stella L.” (1984), “Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story” (1993), “Anak” (2000) at “When I Met You In Tokyo” (2023).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naging maganda rin ang track record ni Ate Vi sa pagsabak niya sa public service. Naging mayor siya ng Lipa, gobernador ng Batangas at miyembro ng House of Representatives sa ika-6 congressional district ng Batangas.

Ilan sa mga kinilalang National Artist for Cinema ang mga direktor na sina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Marilou Diaz Abaya, at mga aktor na sina Manuel Conde, Action King Fernando Poe, Jr., at ang Superstar na si Nora Aunor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending