Thai actors Both, Newyear ibinandera ang ‘official’ engagement

Thai actors na sina Both, Newyear ibinandera ang ‘official’ engagement

Pauline del Rosario - June 28, 2024 - 12:48 PM

Thai actors na sina Both, Newyear ibinandera ang ‘official’ engagement

PHOTO: Instagram/@newyear_kitiwhut

KONTING kembot nalang magiging legal na ang same-sex marriage sa Thailand!

Kaya naman, ang sikat na Thai actors at longtime couple na sina Both Nuttapong and Newyear Kitiwhut hindi na nagpatumpik-tumpik at opisyal nang ibinandera ang kanilang wedding engagement.

Ang nakakakilig na balita ay ibinandera ng couple sa kani-kanilang social media accounts noong June 26.

Baka Bet Mo: Boy Abunda hiling na maisabatas na ang same sex marriage, gusto ring magpakasal, pero…

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa TikTok, mapapanood ang video na sinorpresa muna ni Both si Newyear kung saan dinala niya ito sa isang kwarto na puno ng red roses.

At pagkatapos niyan ay lumuhod na nga si Both at inilabas ang isang box na may lamang singsing.

Nag-“yes” naman si Newyear at ang couple ay nagyakapan at naghalikan.

@newyear.kitiwhut I said yes #สมรสเท่าเทียม ♬ เสียงต้นฉบับ – NEWYEAR

Taong 2021 nang magtambal ang dalawa sa Thai series na “Top Secret Together.”

Noong 2012 pa silang magdyowa at noong nakaraang taon lamang nang una silang ma-engage bago gawing opisyal sa publiko kamakailan lang.

Samantala, noong June 18 nang aprubahan ng senado sa Thailand ang marriage equality.

Ito ay isusumite kay King Maha Vajiralongkorn para sa royal endorsement at nakatakdang magkakabisa sa loob ng 120 na araw matapos mailathala sa opisyal na Royal Gazette.

Sa bagong batas nila, ang references sa same-sex marriage ay pwede nang maging ““men,” “women,” “husbands” at “wives.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod diyan, magkakaroon na rin sila ng kaparehong karapatan pagdating sa pag-aampon at mana.

Dahil diyan, ang nasabing bansa ang kauna-unahang Southeast Asian nation na pwedeng ikasal ang same-sex couples, habang ito naman ang ikatlo sa buong Asya.

Nauna na sa nabanggit na batas ang Taiwan at Nepal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending