Ryan Bang answered prayer ang muling pagsasama ng magulang

Ryan Bang answered prayer ang muling pagsasama ng mga magulang

Therese Arceo - June 28, 2024 - 04:38 AM

Ryan Bang answered prayer ang muling pagsasama ng mga magulang

SUPER happy ang “It’s Showtime” host na si Ryan Bang dahil muling nagkasama ang kanyang mga magulang matapos ang paghihiwalay ng mga ito noong bata pa siya.

Sa kanyang Instagram post ay proud nitong ibinandera ang larawan niya kasama ang mga magulang pati na rin ang pamilya ng kanyang girlfriend na si Paola.

Kuwento ni Ryan, ang paghihiwalay raw ng kanyang mga magulang ang dahilan kung bakit siya nagdesisyon na pumunta sa Pilipinas.

“Year 2005 isa sa mga dahilan kung bakit ako nagpunta ng Philippines ay dahil naghiwalay yung parents ko.

Baka Bet Mo: Ryan Bang may pa-shoutout sa parents ng GF: Para rin akong anak nila!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan Bang (@ryanbang)

“Araw araw kong pinagppray kay God na sana dumating ulit yung araw na magkasama ulit kami kahit sa isang dinner lang,” saad ni Ryan Bang.

Kaya naman super happy ng TV host-comedian sa muling pagsasama nilang pamilya.

Hindi raw nga akalain ni Ryan na makalipas ang ilang mga taon ay magkakatotoo ang matagal na niyang pangarap.

“[A]t ngayon answered prayer talaga na nagkasama kami ulit at ang pamilya ni @paohuyong Wala talagang imposible kay Lord,” sey pa niya.

Chika pa ni Ryan, nakunan ang special na pagsasama nilang pamilya at mapapanood ito sa kanyang latest vlog.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang sa naging panayam ni Karen Davila sa binata noon ay ibinahagi nito ang kanyang mga pinagdaanan bago ang kanyang naging pagpasok aa “Pinoy Big Brother”.

Ang naturang programa ang naging daan para kay Ryan na makilala at magkaroon ng magandang career sa Pilipinas.

Kahit na Korean ang kanyang nationality ay palaging ipinagmamalaki ng binatq ang pagkakaroon niya ng pusong Pinoy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending