Kim Molina bet magpasampal kay Charo Santos-Concio

Kim Molina bet magpasampal kay Charo Santos-Concio

Therese Arceo - June 27, 2024 - 07:49 PM

Kim Molina bet magpasampal kay Charo Santos-Concio

WILLING na willing ang aktres na si Kim Molina na magpasampal sa award-winning veteran actress at isa sa mga boss ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio.

Ito ay may kaugnayan sa trending na pagtutuos ng karakter ni Charo bilang si Tindeng at ni Lena ba ginagampanan naman ni Mecedes Cabral mula sa action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo.”

Intense na intense ang eksena ng dalawa kung saan galit na galit na sumugod si Tindeng ang natutulog sa kanyang kama na si Lena at pinagsasampal, sinabunutan, at kinaladkad ito at umabot pa sa tutukan ng baril at balisong.

Baka Bet Mo: Kim Molina naluha, nakatanggap ng Chucky doll mula kay Darryl Yap

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa kabila ng mainit na eksena ay ibinahagi naman ni Charo ang kanilang larawan ni Mercedes na magkayakap sa kanyang Instagram account.

“Ang sabunutan nina Tindeng at Lena na nauwi sa tawanan at yakapan sa Batang Quiapo,” sey ni Charo.

Makikita sa comment section ang iniwang komento ni Kim sa intense scene nina Charo at Mercedes.

Sey ng aktres, isa sa mga pangarap niya ay ang makaeksena at masampal ng dating presidente ng ABS-CBN.

“MADAAAAMMM @charosantos GRABE ITOOOO!!!!

PANGARAP KO RIN PONG MASAMPAL MO PLEASE!!!!!!!” saad ni Kim.

Nag-reply naman sa kanyang komento ang beteranang aktres.

“Hahaha! Grabe ka!” sagot naman ni Charo kay Kim.

Talagang bet na bet nga ng jowa ni Jerald Napoles ang makaeksena si Charo at sinabing willing ito kahit walang linya.

“@charosantos ay mam charo kahit walang lines abang ko na agad mukha ko po opo! ‍” hirit pa ni Kim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, thankful naman si Mercedes na makasama sa intense scene ang isa sa mga big boss ng ABS-CBN.

“I love you ma’am @charosantos its always an honor to be in a scene with you!” sey ni Mercedes sa naturang post ni Charo.

Tugon naman ni Charo, “@mercedes__cabral Ohhh! You are such a trooper! You are amazing! “

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending