Lara naloka sa kumalat na chikang hiwalay na sila ni Marco: Never!

Lara naloka sa kumalat na chikang hiwalay na sila ni Marco: Never!

PHOTO: Instagram/@laraquigaman

NEVER maghihiwalay ang celebrity couple na sina Lara Quigaman at Marco Alcaraz.

Ito ang nilinaw at iginiit ng dating beauty queen at aktres sa kanyang latest Instagram post matapos kumalat sa social media ang “breakup rumors” ng mag-asawa.

Kwento ni Lara, nalaman niya ang “fake news” nang mag-message sa kanya ang ilang mga kaibigan.

Sinend pa nga raw sa kanya ang link ng viral post na makikita ang kanyang picture at may caption na: “Minsan Kailangan mo lumayo para makita mo ang tunay na halaga mo. Huwag ka matakot mag-isa kasi doon mo makikilala ang sarili mo.”

“And so, some think that @marcoalcaraz and I separated,” wika pa niya sa IG.

Baka Bet Mo: Lara Quigaman kinarir ang panggagaya kay Charo Santos para sa ‘Batang Quiapo’, pero…

Paglilinaw niya, “Hindi po, (bakit ba kasi gusto nyo kami maghiwalay?) Nevaaa…at hindi ko po sinabi ang nasa caption.”

Dagdag na chika ng dating beauty queen, “Pero minsan lumalayo po talaga ako, nagla-lock ng door (sa CR) para mag-isa [laughing emoji] pero ‘di para makilala sarili ko kundi para makatakas sa ingay ng bahay kahit 5mins lang. hahaha [white heart emoji]”

Sa comment section, maraming fans ang tila tinawanan ang shinare ni Lara at narito ang ilan sa mga sinabi nila:

“HAHAHAHHA this post is so funny [laughing emoji] Stay strong.”

“[laughing emoji] true sweet and strong couple God bless”

“Korek! laughing emoji] sa cr minsan nakakatanggap ng kapayapaan. Hahaha”

“HAHAHAHA! Malayo ka daw kasi sa Pilipinas sis laughing emoji]”

Matatandaang ikinasal sina Lara at mister na si Marco Alcaraz sa Canada noong 2010.

Muli silang nagpakasal sa Tagaytay City noong 2012.

Mayroon silang tatlong anak na sina Tobias, Moses at Noah.

Read more...