TILA umaasa ang Pinay K-Pop idol na si Chantal Videla o mas kilala bilang Chanty na muli siyang sasabak sa pag-arte.
Ito ay sa gitna ng kanyang “indefinite break” mula sa kanyang girl group na Lapillus.
Nakapanayam siya ng news program na “24 Oras” at dito niya inihayag ang kanyang pagnanais sa pagbabalik-acting.
“Matagal-tagal na rin ang last acting experience ko so I have to refresh my mind and everything,” sey niya sa interview.
Noong June 20 lamang, ipinagdiriwang ng Lapillus ang second debut anniversary nila at aminado si Chanty na nalungkot siya dahil hindi niya nakasama ang kanyang mga kagrupo sa selebrasyon.
Baka Bet Mo: Pinay K-pop idol Chanty na-miss lumafang ng pakbet, daing at langka; naiyak nang makauwi uli sa Pinas
Pero masaya rin daw siya at the same time dahil nagkaroon ng oras ang mga ka-miyembro niya na makasama ang kani-kanilang pamilya.
“I’m glad they’re able to rest and to be together with their families, pero there’s a side of me na nalulungkot kasi hindi ko sila kasama mag-celebrate,” sambit ng Pinay na K-Pop star.
Ani pa niya, “Pero I’m happy that our Lapis are supportive. They keep on sending their love.”
Noong Abril lamang nang mag-umpisa ang hiatus ni Chanty sa Lapillus matapos ma-diagnose ng chronic fatigue syndrome.
“Chanty has been diagnosed with Chronic Fatigue Syndrome and has seen improvement in her health through continuous treatment and consistent care from her attending doctor,” saad sa pahayag ng MLD Entertainment.
Kaugnay ng kanyang nararamdaman ay kinakailangan nitong umiwas muna sa mga nakakapagod na mga gawain.
“However, there is concern that engaging in high-intensity group musical activities may cause the relapse of her symptoms and strain in her health,” dagdag pa ng ahensya.
Sa kabila naman ng pagpapahinga ni Chanty ay patuloy pa rin siyang magiging miyembro ng K-Pop group.
Nangako rin ang entertainment agency na ginagawa nila ang lahat ng makakaya para maging mabuti ang kalagayan ng kalusugan ng dalaga.
“Therefore, following this, while Chanty will remain a member of Lapillus and continue her individual activities, her participation in group activities as a singer will be indefinitely postponed,” ani pa.
Taong 2022 nang mag-debut si Chanty bilang bokalista ng K-Pop girl group kung saan kasama niya sina Shana, Yue, Bessie, Seowon, at Haeun.
Sa kaparehong taon, pumirma Filipina-Argentinian ng kontrata with Sparkle GMA Artist Center.