Chanty Videla ng Lapillus certified Kapuso na, sino nga ba ang bet makatrabaho?
OFFICIAL Kapuso na ang Filipino-Argentinian at na si Chanty Videla.
Sa Instagram account ng Sparkle GMA Artist Center ay ibinahagi nila ang larawan ng kanilang pinakabagong talent nitong Biyernes, November 11.
Caption nito, “Chanty Videla of K-pop group Lapillus is now part of the Sparkle family!”
Present rin sa naturang contract signing ang mga boss ng Kapamilya network na sina GMA SVP Atty. Annette Gozon-Valdes, Sparkle AVP for Talent Management Ms. Joy Marcelo, SAVP for Alternative Productions Ms. Gigi Santiago-Lara, Sparkle Senior Talent Manager Mr. Vic del Rosario at MLD Entertainment’s CEO and Producer Mr. Lee Hyoungjin.
Si Chanty ay parte rin ng Korean girl group na Lapillus kasama sina Shana, Yue, Seowon, Haeun, at Bessie.
Ang pangalang Lapillus ay hango sa isang gem na kumikinang ng iba’t ibang kulay.
View this post on Instagram
Bago ang kaniyang pagpirma sa Sparkle ay nakita nang mag-perform ang grupong Lapillus sa Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” pati na rin sa Kapuso noontime show na “Eat Bulaga”.
Labis naman ang tuwa ng dalaga dahil damang dama niya ang mainit na pagtanggap sa kanya ng Kapuso network.
“I can’t believe na Kapuso na ako. I feel so welcomed. Everything just feels so warm and so chill and everyone is just too… parang ang homey po ng feeling and I really really really love it. It just makes me more excited to start working,” saad ni Chanty sa panayam niya sa 24 Oras.
At talaga namang excited ang dalawa sa mga upcoming projects niya sa Pinas kasabay ng mga projects niya sa kanyang Korean girl group.
Pag-amin pa niya, umaasa siyang mabigyan ng pagkakataon na makatrabaho ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
“Bata pa lang po ako ang dami ko na pong napanood na mga Kapuso shows and I’m a bog fan rin po ni Ms. Marian Rivera. I’ve been watching her before when I came in Philippines… I’m hoping po na in the future na I get to work with these amazing artists po such as Ms. Marian,” chika pa ni Chanty.
Related Chika:
Pinay K-pop idol Chanty na-miss lumafang ng pakbet, daing at langka; naiyak nang makauwi uli sa Pinas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.