Marco Alcaraz pinagtawanan habang hinaharana ang mga kandidata sa isang beauty pageant, anyare? | Bandera

Marco Alcaraz pinagtawanan habang hinaharana ang mga kandidata sa isang beauty pageant, anyare?

Ervin Santiago |December 14,2022
facebook
share this

Marco Alcaraz pinagtawanan habang hinaharana ang mga kandidata sa isang beauty pageant, anyare?

Ervin Santiago - December 14, 2022 - 07:49 AM

Marco Alcaraz pinagtawanan habang hinaharana ang mga kandidata sa isang beauty pageant, anyare?

Marco Alcaraz habang hinaharana ang mga kandidata sa isang beauty pageant

HA-HAHAHAHA! As in tawa pa rin kami nang tawa habang sinusulat namin ang chikang ito tungkol sa viral na ngayong video ng aktor na si Marco Alcaraz! Ha-hahahaha!

Grabe! Hindi namin alam kung seryoso, nakainom, nag-trip o talagang sadyang iniba lamang ng mister ni Lara Quigaman ang tono ng kantang “Ngiti” ni Ronnie Liang.

Base kasi sa napanood naming video sa YouTube, hindi lang sintunado, talagang walang tinamaang tono si Marco habang kumakanta sa stage.

Ang aktor ang napiling mangharana sa mga kandidata ng isang beauty pageant para sa isang kapistahan. At habang kumakanta nga ang aktor ay maririnig na nagsisigawan na may kasamang tawanan ang audience.

Makikita sa video na super confident si Marco while singing pero base nga sa narinig namin at pati na rin sa reaksyon ng nga netizens, sintunado at out of tune talaga ang asawa ni Lara.

View this post on Instagram

A post shared by Marco Alcaraz (@marcoalcaraz)


Sabi ng ilang nakapanood sa video, bakit daw si Marco pa ang kinuha para mangharana sa mga kandidata gayong hindi naman daw talaga ito professional singer.

May nagkomento naman na baka raw “package deal” na sila ni Lara dahil isa raw ang aktres at dating beauty queen sa mga umupong hurado para sa naturang beauty pageant.

Ayon naman sa isang netizen, posible rin daw na naanyayahan lang ng mga organizer si Marco na kumanta sa stage bilang katuwaan at wala naman talaga siyang tinanggap na talent fee.

Samantala, nagbigay din ng reaksyon ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz hinggil sa viral video ni Marco. Aniya, sana raw ay magsilbing aral na ito sa aktor sa pagtanggap ng mga karaketan.

“Siyempre may mga ebidensya. May mga resibo na ‘yan. Kung napakahusay naman ng tinig ni Marco Alcaraz, malamang ‘yan maba-viral ‘yan. Maba-viral lalo kapag palpak ang boses, sintunado,” comment ni Ogie sa kanyang YouTube channel.

Aniya pa, “Magandang lesson ito para sa mga actors natin na tumatanggap ng raket. Make sure lang na mapag kakanta kayo nang solo, ‘wag na kayong manghaharana. Lalo na ‘yung mga babae.

“Gusto nila naririnig magagandang tinig. Mas gusto nila singer talaga hindi yung aktor na acting ang kayang gawin. May resibo nga… next time ba kukunin ulit siya matapos mapanood ‘yan,” ang punto ni Ogie.

Hirit pa ng komedyante, sana nga raw ay lasing lang si Marco nang kantahan niya ang mga kandidata para may chance pa siya na makabawi sakaling kunin uli siya para sa ibang beauty contest.

Bukas ang BANDERA para sa magiging opisyal na pahayag ni Marco hinggil sa nakakaloka pero nakakatawang isyu na ito.

Marco Alcaraz naguluhan sa magkaibang resulta ng COVID test: Sobrang hindi ako makapaniwala…

‘Nakakaloka ang pa-house tour ni Kiray sa Tagaytay!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lucky contestant sa ‘Wowowin’ hindi agad naniwala kay Bitoy, biglang binabaan ng phone

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending