Divorce sa Pinas aprub kay Carla: Marriage isn’t easy, it can get toxic

Divorce sa Pinas aprub kay Carla: Marriage isn't easy, it can get toxic

Carla Abellana

PABOR ang Kapuso actress na si Carla Abellana na maisabatas na ang divorce sa Pilipinas dahil maraming mag-asawa ang magbe-benefit dito.

Katoliko ang dating wifey ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez at naniniwala siya na sagrado talaga ang pagpapakasal sa simbahan.

Pero ang feeling ni Carla, ito na ang tamang panahon para mabigyan ng choice ang mga Filipino couple na gusto nang maghiwalay dahil sa iba’t ibang valid reasons.

Baka Bet Mo: Carla Abellana: ‘Yung love naman ay hindi nagdi-disappear o hindi nababawasan nang kusa…

Naaprubahan na ng House of Representative ang Divorce Bill sa second hearing nito at hinihintay na lamang na maratipika ito ng Senado.


“Catholic ako, pero ano naman ako din, very realistic naman din ako. I see the bigger picture and, of course, sa panahon ngayon, iba na, e.

“Sa nakikita ko, ang daming magbe-benefit because aminin natin, marriage isn’t easy, it can get toxic. Marami, unfortunately, na nagiging abusive na ‘yung relationship nila,” ang pahayag ni Carla sa panayam ng “24 Oras.”

Dagdag ng aktres, sana ay mapirmahan na at ma-finalize ang Divorce Bill para mabigyan na ng option ang mga mag-asawa na hindi na masaya sa kanilang pagsasama as married couple.

Baka Bet Mo: Anne nag-react sa boto ng senado sa Divorce Bill: Puro lalake nag-‘No’

“There are marriages na nag-i-stay nga sila for the sake of the children, they stay married dahil wala silang ibang option, pero hindi na healthy for the family, not just for the marriage.

“I’m sure papakinggan, dapat pakinggan talaga nila ‘yung mga citizens, ‘yung mga Filipino,” paliwanag pa ng dating misis ni Tom na naghiwalay makalipas lamang ang mahigit dalawang buwan mula nang ikasal.


Samantala, “completely out the woods” na raw si Carla ngayon matapos dumaan sa matitinding challenges nitong nagdaang dalawang taon.

“Ay oo naman. Some people take longer, even decades pa to rise again, to recover. Ako, definitely out of the woods,” aniya pa sa naturang panayam.

Dagdag pa niya, “At some point, choice mo din ‘yan kung talagang mag-i-stay ka ba talaga dito sa ganitong state or are you the type na gagamitin mo na ‘yan to learn from it and be a better person?”

May mga fears pa rin naman daw siya sa kanyang buhay ngayon kahit 38 years old na siya, pero, “I’m stronger now, wiser, mas confident. Most grateful for na kinaya ko, kumbaga bumangon ako, nakapag-recover ako.

“But I don’t give myself all the credit of course, pero at any point, kahit sino naman pwedeng sumuko na lang e,” aniya.

Single pa rin ngayon si Carla at open naman daw siya sa pagde-date pero feeling niya, wala pa siyang time para rito dahil sa kanyang super busy schedule.

Read more...