Paolo Paraiso ayaw magplaster sa sex scene; go, go, go sa hubaran

Paolo Paraiso ayaw magplaster sa sex scene; go, go, go sa hubaran

Ervin Santiago - June 25, 2024 - 07:00 AM

Paolo Paraiso ayaw magplaster sa sex scene; go, go, go sa paghuhubad

Paolo Paraiso

MARAMI nang nagawang sexy films si Paolo Paraiso at sa bawat pakikipaghalikan at sexy scene na ginagawa niya ay lagi niyang iniisip ang kanyang ka-partner.

Ayon sa aktor, talagang kinakausap niya ang mga ka-love scene niya kung paano nila aatakihin ang eksena at kung hanggang saan lang ang pwede nilang gawin sa harap ng camera.

Nakachikahan namin si Paolo kasama ang ilang piling miyembro ng press sa premiere night ng bago niyang pelikula, ang “Karma” kasama sina Rhen Escaño Roi Vinzon at Sid Lucero, at dito nga siya natanong tungkol sa paggawa ng sex scene.

Baka Bet Mo: Elisse, Loisa, Charlie, Alexa sinagot kung naranasan na nilang magparetoke, may kanya-kanyang paraan para mas maging confident

Nagpaplaster ba siya? “Oo. Kasi ano, ang pagpaplaster, respeto yan sa ka-partner mo, e.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Paraiso (@paoloparaiso)


“Di ba? Hindi yun para sa akin. Kasi kung ako ang masusunod, kahit hindi na. Pero honestly, I think, akala ng mga tao, pag gumawa ka ng pelikulang sexy, maa-arouse ka sa partner mo.

“Kahit gaano kaganda yan, sa dami ng cameraman na tumatawa, at mga audio na tumatawa sa gilid mo, hindi ka maaapektuhan.

“I think, ha, I think. Based on experience. Kasi I did a sexy scene a few years ago, Asia Agcaoili yung ka-partner ko,” sabi pa ni Paolo.

Pagpapatuloy niya, “During the shoot, sabi ko, ‘Ang sexy-sexy ni Asia pero hindi ako naa-arouse masyado.’ After ng shoot, na-arouse ako!

Baka Bet Mo: KD Estrada alagang-alaga si Alexa Ilacad, todo-bantay hanggang sa CR

“During the shoot, hindi. Kasi may cameraman, may audio sa tabi ko, ganyan. Pero after the shoot, oo.

“So I think yan yung misconception ng mga tao. Akala nila, pag sexy actor, sexy film, na after nun, after ng take, magge-game na sila.

“Hindi! May level of professionalism. And siyempre bilang tao, mahihiya ka rin sa ibang mga tao. Ha-hahahaha!” aniya pa.

R-16 ang ibinigay na rating ng MTRCB sa crime-drama movie na “Karma” na showing na ngayon sa mga sinehan dahil sa violence at sex scenes.

Pero hindi raw siya naghubad sa pelikula, “Hindi. Hindi nila ako tinawag para maghubad. Naghihintay nga ako kay Boss Vic (del Rosario) na tawagan ako, kaya ko pa naman! Ha-hahaha!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Paraiso (@paoloparaiso)


Game na game raw siyang mag-Vivamax, “Oo! Siyempre kasi, ano naman yun, e. Ngayon, yun yung genre na tinatangkilik ng mga tao.

“That’s how you tell stories. Tayo naman, di ba, ang trabaho natin, we tell stories. So, nagkataon lang na ang instrumento, may konting mga hubad,” aniya pa.

Sa tanong kung may limitasyon na ba siya sa paggawa ng love scene, “Siguro ngayon na kasal na ako, wala na! Ay! Wala na! Ha-hahahaha!”

“Kami ni Sid, magkaibigan kami. Kapag kailangan sa eksena, maghuhubad yan. I’m the same way.

“Kung kailangan ng istorya, okay lang. Sabi ko nga, kung puwet lang, puwet lang. Hindi kasi, ako honestly, pag nagdyu-joke ako sa mga kaibigan ko, pinapakita ko yung puwet ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“If you see my Instagram, mayroon akong running post na pag nasa beach ako, ibinababa ko, kita ang puwet ko. Kunyari umiihi ako,” natatawa pa ring chika ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending