Paolo Paraiso ikinasal na sa kanyang non-showbiz dyowa: 'I am the luckiest man alive' | Bandera

Paolo Paraiso ikinasal na sa kanyang non-showbiz dyowa: ‘I am the luckiest man alive’

Ervin Santiago - September 26, 2023 - 07:12 AM

Paolo Paraiso ikinasal na sa kanyang non-showbiz dyowa: 'I am the luckiest man alive'

Paolo Paraiso at Jessica Sto. Domingo

IKINASAL na ang aktor na si Paolo Paraiso sa kanyang fiancée na si Jessica Sto. Domingo nitong nagdaang Sabado, September 23.

Nangyari ang wedding sa Saint Joseph Marello Chapel sa Laiya, Batangas habang ang reception naman ay isinagawa sa Virgin Beach Resort, Laiya, Batangas.

Base sa mga inilabas na litrato ng Nice Print Photography sa Instagram, makikita ang groom na nakasuot ng barong na may stand-up collar with matching off-white trousers.

Ang kanyang bride namang si Jessica ay nakasuot ng trumpet-style gown kaya naman mas lalong na-highlight ang kanyang slim na katawan.

Base sa mga nakita naming litrato sa social media, ilan sa mga celebrities na um-attend sa kasal nina Paulo at Jessica ay sina Phoemela Baranda, Max Eigenmann, at ang sister ng aktor na si Bubbles Paraiso.

Present din sa wedding ang dalawang anak ni Paolo kay Mylene Dizon na sina Thomas at Lucas.

Baka Bet Mo: Gab Valenciano nagpasalamat sa lahat ng nagligtas sa kanyang buhay: I am alive because of you…

Sumakto naman ang kasal ni Paolo sa petsa ng wedding ng kanyang parents 45 years ago.

Matatandaang nag-propose ang aktor kay Jessica noong December 8, 2022 at ang engagement ring daw na isinuot niya sa kanyang partner at galing pa sa kanyang grandparents.

“I am the luckiest man alive, because I’m with the most gorgeous woman in the world,” ang mensahe ni Paolo kay Jessica matapos ang kanilang engagement.

“Nag-click lang kami. Something just clicked. Ang joke nga namin is siya yung babaeng version ko, e, kuwela, puwedeng seryoso. Yung mga jokes namin kahit walang tumatawa, siya tatawa siya, alam mo yun,” said pa ni Paolo tungkol sa kanyang dating girlfriend na asawa na niya ngayon.

At knows n’yo ba na ang tatay ni Paolo ay naging classmate ng daddy ni Jessica noong college.

“Tapos meron pang effect na yung isang pinsan niya na I met, na older than her, when I met them, yung asawa niya pinsan ko pala, second cousin ko naman. So nagdurugtong-dugtong lahat, small world,” pahayag pa ni Paolo sa isang panayam.

Elisse, Loisa, Charlie, Alexa sinagot kung naranasan na nilang magparetoke, may kanya-kanyang paraan para mas maging confident

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jake Cuenca may pa-tribute sa ina: ‘I’m the luckiest man alive to have you by my side…love you mama!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending