Jake Zyrus binarag, sinermonan ang basher na nagsabing ‘sayang boses’ niya

Jake Zyrus binarag, sinermonan ang basher na nagsabing ‘sayang boses’ niya

PHOTO: Instagram/@jakezyrusmusic

GIGIL mode ang singer-songwriter na si Jake Zyrus sa isang basher na nanghihinayang sa dati niyang mataas na boses.

Ito ay matapos niyang ibandera sa Instagram na siya ang cover photo ng Tatler Asia bilang selebrasyon ng Pride Month.

Tampok sa kanyang istorya ang tungkol sa pagsasailalim niya sa hormone therapy.

Sa comment section, marami ang nagpahayag ng kanilang pagkatuwa sa feature story ni Jake, pero may iisang basher ang tila sumira ng moment ng singer.

Komento ng hater, “Sayang boses mo Charice. Bakit si Ice Seguerra transman pero never binago ang boses. Sayang talaga.”

Baka Bet Mo: Raquel Pempengco kay Jake Zyrus: Kahit gaano katagal siyang hindi mag-reach out sa amin, family pa rin siya

Hindi nakapagpigil ang singer at sinagot ito: “First of all, with respect to my past, keep my deadname out of your silly mouth. And darling, it’s because he hasn’t taken any hormone therapy. It’s a HUGE part of being a transman. Maybe there are more important reasons why he hasn’t taken hormone therapy.”

“I am not going to explain the rest because based on your comment you sound ignorant. Google is free my darling,” pagbabarag pa niya.

Wika niya pa, “I’m going to pin your comment because it seems like you love being center of attention. So let’s give it to you sweetheart. Have a nice day.”

PHOTO: Screengrab from Instagram/@jakezyrusmusic

Dumepensa rin ang Filipina-American singer na si Cheesa kay Jake at pinagsabihan ang basher na mag-research muna bago mag-comment.

Dagdag na sermon pa ni Jake, “You support a trans, and bash another trans because of what? Birit? Yun lang?”

“Make it make sense sis. Hater. Being a transgender is more than just singing high or low notes,” dagdag niya.

Saad pa ng singer, “And the audacity of you to deadname me and properly call Ice his real name. What a joke.”

PHOTO: Screengrab from Instagram/@jakezyrusmusic

Kung matatandaan, taong 2013 nang mag-come out na lesbian si Jake na noon ay kilala bilang si Charice Pempengco.

Makalipas ang apat na taon, ibinandera niya ang pagiging transgender at pinalitan na ang tunay na pangalan.

Taong 2021 naman nang mag-open up si Jake tungkol sa mga pagsubok niya pagdating sa kanyang gender identity at inamin na nahirapan siyang itago sa publiko ang tunay niyang pagkatao kahit noong kilala pa siya bilang si Charice.

Read more...