MUKHANG nag-enjoy si Janella Salvador sa naganap na Pride event sa Quezon City kamakailan lang.
Sa Instagram, masayang ibinandera ng Kapamilya actress-singer ang ilang photos and videos habang nagpe-perform sa stage ng “LoveLaban2Everyone Pride PH Festival 2024” sa Quezon Memorial Circle.
Caption niya, “My first pride experience was a dream [heart emoji].”
“It was nice to see everyone in high spirits just celebrating, openly showing each other affection and actively protesting for equal rights,” sey pa ni Janella.
Dagdag niya, “I’m glad I was able to share this moment with you all before the rain poured but I really hope you all kept safe out there! #PridePH”
Baka Bet Mo: Vice, BINI ‘di na nag-perform sa Pride Fest; LGBT members may reklamo
Kasunod niyan, proud niya ring ibinalita na umabot na sa mahigit 100,000 views ang music video nila ni Jane de Leon na “Hey You” sa loob lamang ng isang araw.
Dahil diyan, lubos niyang pinasalamatan ang lahat ng sumuporta.
Sa comment section, maraming netizens ang nagpasalamat kay Janella, lalo na’t naging extra special ang event dahil sa inihandog niyang sorpresa.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“My heart is sooo happy watching you perform at an event where all love is equal. Happy Pride and congrats on reaching 100k streams [rainbow, heart hands emojis].”
“It was really unforgettable experience with the Vadengs and with you. Pouring your heart out in front of people and dedicating that mv to us means so much to us. Thank you for letting us love you the way you love us.”
“Ang ganda talagaaa happy Pride Month po ate! Thank you for an unforgettable pride experience.”
“Happy Pride, Janella! Maraming Salamat sa pagsama sa laban! [heart hands, holding back tears emojis]”
Magugunitang marami ang kinilig sa pa-surprise ni Janella matapos ilabas ang bago niyang single kung saan tampok sa music video ang tambalan nila ni Jane.
Matagal na rin kasi itong hinihiling ng maraming fans kaya tinupad na rin ito ni Janella and just in time sa pagdiriwang ng Pride Month.
Mapapanood sa video na iikot ang istorya sa dalawang magkaklase na may lihim na pagtingin sa isa’t-isa hanggang sa nag-first move na si Jane at doon na nagsimula ang kanilang kilig moments.
Sa dulo ng video, may iniwan pa itong mensahe na ang sabi ay, “Love is love, regardless of who it finds.”