GRABE rin pala kung ma-in love at magbigay ng pagmamahal ang Kapuso actor at Pambansang Ginoo na si David Licauco.
Knows n’yo bang may isang babaeng nagustuhan si David noon na talagang sinundan pa niya sa South Korea para lang patunayan na mahal na mahal niya ang girl?
Rebelasyon ni David, “I am a softee inside. When I’m in a relationship, I’m the only one who’s crying. I’m clingy. Grabe akong mag-effort.”
Tandang-tanda pa ng binata na sa edad niyang 22, ay isa na siyang matatawag na certified “hopeless romantic” dahil sa pagpunta niya sa Korea para makita at makasama ang nililigawa niyang girl.
May pagkakataon pa raw na napilitan siyang matulog sa isang public toilet habang hinihintay ang nililigawan, “I didn’t have money. The second day, I rented an affordable room.
“I still didn’t have money at that time. I even bought her flowers. I was courting her. I wanted to prove, this is what I could do. This is what I could offer.
“I’d move mountains for you. But I didn’t end up with that girl,” pagbabalik-tanaw ni David sa panayam sa kanya ng ilang members ng showbiz press sa mediacon ng first movie nila ni Barbie Forteza na “That Kind of Love.”
Baka Bet Mo: Derrick Monasterio, Elle Villanueva pwedeng ma-in love sa isa’t isa: Ine-enjoy lang namin ang moment
Kuwento pa ni David, plano na sana niyang iwan muna ang showbiz para makapag-concentrate sa kanyang mga business pero dumating ang napakagandang offer sa kanya ng GMA.
“‘Maria Clara at Ibarra’ came and our successful loveteam (with Barbie) started. Other projects followed and even endorsements for both of us, so how can we say no
“I’m super thankful for this partnership, love team and friendship. Nakakatuwa at nakakaiyak,” aniya pa.
Speaking of “That Kind of Love”, in a way ay nakaka-relate rin si David sa kuwento ng pelikula pero aminado siyang medyo nahirapan din siya portraying his character.
“I’m used to teleseryes where you always do one takes. I really worked on my patience because I’m not used to doing films,” sabi ng binata.
Bago mag-showbiz, sumali muna si David Mr. and Ms. Chinatown 2014 at itinanghal na first runner-up. Noong taon ding yun, nagkaroon siya ng guest appearance sa“The Amazing Praybeyt Benjamin” ni Vice Ganda.
Sey ni David, never niyang na-imagine noon ang sarili na mag-aartista, “I was just an ordinary basketball player then. Tamad na tamad ako so hindi ko talaga iniisip mag-artista noon.”