Vice Ganda adik sa pamamalantsa: You know, as a housewife!

Vice Ganda adik sa pamamalantsa: You know, as a housewife!

Ion Perez at Vice Ganda

SUPER laugh ang madlang pipol sa mga naging rebelasyon ni Vice Ganda tungkol sa pagiging “housewife” sa kanyang asawang si Ion Perez.

In fairness, pak na pak sa mga manonood ang mga sweet and funny moments nina Vice at Ion sa Kapamilya  program na “It’s Showtime”.

Sa isang episode ng “EXpecially For You” segment nagkuwento si Vice bilang housewife sa bahay nila ni Ion.

Baka Bet Mo: JM de Guzman maraming ‘triggers’ nang gawin ang ‘Adik Sa ‘Yo’; Cindy Miranda pak na pak bilang romcom actress

Dito buong-ningning na inamin ng TV host-comedian na adik na adik siya sa pamamalantsa.


Gustung-gusto raw niya talaga ang mamalantsa kahit noong bata pa siya, “Happiness ko kasi ang mamalantsa, you know as a housewife. Oo at tsaka namamalantsa ako tone-toneladang damit.”

May isang pagkakataon naman daw na pareho silang minalas ni Ion habang umeere ang “Showtime”. Sabay kasi silang nagkaproblema sa kanilang OOTD.

Baka Bet Mo: KC nakumpleto na ang laman ng apartment sa Hollywood; umaming adik na adik sa…

Namantsahan daw ang damit ni Ion nang natapunan ng toyo sa backstage  kaya napilitan ang kanyang asawa na magpalit agad ng damit.

Pagkatapos nito ay dumikit naman ang plastik na nakalagay sa ironing board at muntik masunog ang kanyang skirt habang pinaplantsa niya.

Bukod dito, isa pang kamalasan na naranasan ni Vice that time ay nang tamaan ng mic ang kanyang ngipin habang nakikipagkulitan kay Jhong Hilario.

Pagkatapos ng “It’s Showtime”, trending ang mga hashtag #ViceGanda at #ShowtimeGowLang sa X.

Read more...