Barbie wish maka-work si Kathryn: Isa siya sa ina-admire kong artista

Barbie wish maka-work si Kathryn: Isa siya sa ina-admire kong artista

Kathryn Bernardo, Barbie Forteza at David Licauco

PAREHONG wish ng Kapuso loveteam na sina Barbie Forteza at David Licauco na makatrabaho ang Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo.

Matagal nang mina-manifest ni David na makasama sa isang proyekto si Kathryn at magkaroon ng Star Cinema movie. Idol na idol daw niya kasi ang ex-dyowa ni Daniel Padilla kaya kahit support lang daw ang role niya basta maka-work niya ang aktres.

Sa nakaraang grand mediacon naman ng first ever movie ng tambalang BarDa, ang “That Kind Of Love” nitong Huwebes, June 20, natanong si Barbie tungkol sa pagkukumpara sa kanila ni Kathryn.

Baka Bet Mo: Coco pangarap makatrabaho sina Kathryn at Daniel sa Batang Quiapo: ‘Sobrang bait kasi ng KathNiel, saludo ako sa pagkatao nila’

Saan nga ba mas nape-preasure any Kapuso Primetime Princess, ang laging ma-compare kay Kathryn, o ang laging tanong sa kanila ni David kung posibleng maging sila in real life?


Maingat na sagot ni Barbie, “Actually, naku, hindi ko alam kung paano ko po sasagutin yan. Kasi aaminin ko, isa rin po si Miss Kathryn Bernardo sa mga taong nilu-look up ko sa showbiz.

“She really handles her career and personal life really, really well. And that is why there’s no doubt kaya maraming brands ang naa-attract niya.

“Dahil ganu’n niya talaga dalhin ang sarili niya. And so to be acknowledged or to be noticed na kahit paano ay parehas (ang career path at acting style), is siyempre a very big honor for me.

Baka Bet Mo: David Licauco wish makatrabaho sina Kathryn at Daniel: ‘Pinanood ko mga movies nila, kinikilig talaga ako sa kanila’

“And sana, sana magkatrabaho kaming dalawa dahil isa rin siya talaga sa mga gusto kong makatrabaho, at isa sa mga ina-admire kong actors of our generation,” sey ng dalaga.


May mga nagkokomento na hindi imposibleng magkatuluyan sina Barbie at David sa totoong buhay dahil hindi pa naman daw kasal ang aktres sa boyfriend nitong si Jak Roberto.

Nabanggit pa nila ang isang dekadang relasyon nina Kathryn at Daniel Padilla pero sa hiwalayan din nauwi. Pero feeling naman ng fans nina Barbie at Jak, pang-forever na ang pagmamahalan ng Kapuso couple.


Pitong taon nang magdyowa sina Barbie at Jak at sa pagkakaalam namin ay may non-showbiz girlfriend na rin daw si David.

Anyway, showing na ang “That Kind of Love” ng BarDa sa July 10, sa mga sinehan nationwide. Kasama rin dito sina Arlene Muhlach, Al Tantay, Jeff Gaitan, Divine Aucina, Ivan Carapiet at Kaila Estrada. Ito’y mula sa panulat ni Ellis Catrina at direksyon ni Catherine Camarillo.

This is produced by Pocket Media Productions and distributed by Regal Entertainment.

Read more...