Arci may hangover pa nang tanggapin ang best actress award sa Japan

Arci may hangover pa nang tanggapin ang best actress award sa Japan

Arci Muñoz

IKINUWENTO sa amin ng Kapamilya actress na si Arci Muñoz ang naging moments niya nang manalong Best International Filipino Actress sa first Jinseo Arigato International Film Festival (JAIFF).

Ito’y para sa pelikula niyang “Malditas in Maldives” kung saan isa rin siya sa mga producer at idinirek ni Njel de Mesa mula sa NDM Studios. Nakasama rin nina Arci at Direk Njel sa naturang international filmfest si Kiray Celis.

Ginanap ang JAIFF 2024 sa Nagoya, Japan noong May 25 to 26, 2024 na ang major objective, “is to showcase Filipino cinema to both the Filipino community in Japan.”

Baka Bet Mo: Piolo Pascual, Arci Munoz may ‘something’ nga ba?

Sinamahan din si Arci sa Japan ng kanyang nanay para saksihan ang awards night ng JAIFF.


Ano ang naging reaksyon niya nang marinig ang kanyang pangalan para sa Best International Filipino Actress award? “Natawa ako. Katabi ko kasi si Kiray, e. Sabi ko, ‘Uy, Kiray, ikaw yun,”

“Tapos, wala. Tinuturo-turo namin siya tapos inaasar namin siya, ‘Ikaw yun, Kiray.’ E, nu’ng ako na talaga, ‘Hala, Kiray! Ano ba yun?’ sabi ko.

“Tapos sobra silang mag-cheer. Sobrang na-touch ako,” sabi ng aktres na hindi raw talaga inaasahan ang kanyang pagkapanalo.

“Ayoko pong mag-expect ng anything in my head. Ano po, I just really love what I do and I’ll continue doing that po. And having an award or getting something, ma-recognize in something that I love is a bonus, especially it’s Japan,” aniya.

Baka Bet Mo: Arci Muñoz aminadong nabaliw sa BTS, natulog sa kalsada ng Korea: ‘Wala na akong pera kaya kailangan ko nang magtrabaho’

Hindi nga raw niya alam ang sasabihin niya habang paakyat siya ng stage para  tanggapin ang kanyang award, “‘Ano’ng sasabihin ko?’ sa isip ko. Hindi ako nag-prepare ng speech.”

“Hala! Ano’ng sasabihin ko? E, di nu’ng pagdating ko doon sa stage, nag-greet lang ako sa Japanese kasi gabi nu’n. Tapos, medyo nag-enjoy pa kami the night before kaya may hangover pa ako. Ha-hahahaha!” aniya pa.


Inamin ni Arci na nagkayayaan ang mga kasamahan nila sa Philippine delegation na nagpunta sa JAIFF bago ang awards night, “Sabi ko, ‘Sorry, guys. I’m still having my hangover. I really appreciate,’ sabi ko.

“‘Di ba, it’s different to be recognized somewhere else,’ sabi ko. Ilang years na ba ako sa industry, 19? Since nag-Starstruck ako.

“Ah, may mga awards ako nu’ng Starstruck. Ha-hahaha! Di ba pag best performer ka, ganyan. But since gumagawa na ako ng, may lead movies ako and soap, oo, first time ko talaga (magka-award).

“And na-enjoy ko naman. Hindi ako nag-e-expect. Kasi for me, reward na mismo na alam ko, I did a great job and nagustuhan ng mga tao yung ginawa ko,” sabi ng dalaga.

Pagpapatuloy pa niya, “I dedicated the award to my mom and to my dad (Yolanda Tabjan Datuin at Manuel Ramon Muñoz). My dad passed away. So I know since my dad passed away, I know that he’s been guiding me from above.”

“Kasi my Dad passed away (2016) during my first movie, Always Be My Maybe (2019) and it was a success, and I know it was because of him.

“So it was a blockbuster movie like it was my first-ever lead role. Alam ko dahil yun sa kanya. So I dedicate everything to him, to my family, my mom.

“My mom, diretso ako sa kanya, e. Pagkababa ko ng stage, inabot ko yung award sa kanya. Kasi it’s for them. I do everything for them,” aniya pa.

Tungkol naman sa pagiging producer ng “Malditas in Maldives”, “I really don’t know what to do. Hahaha! Sabi ko, I really don’t know what to do nung nandoon kami.

“Si Direk Njel talaga. He’s just there guiding me all throughout. Even up to now po, nandito kami sa stage na sabi niya, ‘Mona,’ he calls me Mona (Ramona ang tunay na pangalan ni Arci).

“Sabi niya, ‘As a producer dapat ganito. Ganito na palagi. You have to meet up with people, always watch the movie. And you point out ano ba diyan yung ayaw mong ilagay. What music ba yung gusto mo?”

Yes lang daw siya ng yes kay Direk Njel, “Sige po, Direk. Sorry, kasi slowly I have to absorb that and I have to embrace that now. ‘Shucks, producer pala ako,’ sabi ko sa sarili ko. Nanalo rin po ang NDM Studios for Best Production in Jinseo Arigato.

“So yun, work talaga nina Direk yun, actually. Ngayon ko pa lang, ‘Okay, I know now what to do next time,’” aniya pa.

Read more...