Glaiza De Castro wagi bilang ‘Best Actress’ sa 2022 Filipino Arts and Cinema International
MABUHAY ang pelikulang Pilipino!
‘Yan ang mensahe ng Kapuso aktres na si Glaiza De Castro matapos manalo ng “Best Actress” sa 2022 Filipino Arts and Cinema International o FACINE film festival sa Amerika.
Ang pagkilala sa aktres ay para sa kanyang pagganap bilang si Commander Liway sa drama film na “Liway.”
Ang pelikula ay base sa true story noong panahon ng martial law.
Taong 2018 nang maging parte ng Cinemalaya film fest ang drama film at nagwagi ito ng “Special Jury Commnedation” at “Audience Choice” awards.
Ikinuwento ni Glaiza sa kanyang Instagram na ang direktor na si Kip Oebanda ang nagsabi sa kanyang napanalunan at tila hindi siya makapaniwala sa panalo.
Post niya, “So I got these messages at around 2am here in Canada saying something about Liway getting awards.
“Di ko naintindihan agad then @kipoebanda told me that I just won another award. Huwatttt.
View this post on Instagram
Lubos siyang nagpasalamat sa international film fest at sa mga miyembro ng jury.
Sey ng aktres, “Maraming salamat @facinefilmfestival. It’s an honor po knowing that the winners were selected by an esteemed panel of three jury members: Film scholar, critic, author JB Capino, Indonesian film scholar, curator Gaston Soehadi and film and theater actor, academic Sunita Mukhi.
“Mahuhay ang pelikulang Pilipino (Philippine flag emoji)”
Hinikayat din ni Glaiza ang publiko na panoorin ang “Liway” na libreng mapapanood sa YouTube ni Direk Kip.
Sabi ng aktres, “On that note, sa mga hindi pa po nakanood ng Liway, you can actually watch it on Youtube for free.”
Dahil sa good news, marami ang nagpaabot ng “congratulatory” messages kay Glaiza at kabilang sa mga celebrities na nagkomento ay sina Angelica Panganiban, Barbie Forteza, Rita Daniela, Dingdong Dantes, Ashley Rivera, at marami pang iba.
Kasalukuyang nasa Canada ang award-winning actress at abala sa taping ng bagong pelikula na may titulong “Kahel.”
Related chika:
Glaiza De Castro busy mag-taping sa Canada: Perfect timing lang talaga…exciting times ahead!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.