Jak sa Barbie-David loveteam: Basta may trust ka, walang dapat ikatakot

Jak sa Barbie David loveteam: Basta may trust ka, walang dapat ikatakot

Barbie Forteza, David Licauco at Jak Roberto

SA gitna ng kasikatan ng tambalan nina Barbie Forteza at David Licauco, nananatiling cool at chill lang ang boyfriend ng Kapuso Primetime Princess na si Jak Roberto.

Pak na pak pa rin hanggang ngayon ang BarDa loveteam nina Barbie at David, sa katunayan, dalawang proyekto ang pino-promote ngayon ng dalawang Kapuso stars, ang bago nilang serye na “Pulang Araw” at ang first ever movie nilang “That Kind Of Love.”

Pero ang tanong nga ng mga Marites all over the universe, paano nagagawa ni Jak ang maging chilax lang kahit maraming nagsasabing sana raw ay sina Barbie at David na lang ang magkatuluyan sa ending.

Baka Bet Mo: Alex Diaz super proud sa pagiging bisexual; game na game sa mga sex scene sa ‘PaThirsty’

Sa isang episode ng Kapuso daytime variety show na “TiktoClock”, sinagot ni Jak at ng mga host at iba pang guest sa programa ang tanong tungkol sa pagseselos sa kanilang mga karelasyon.


Sa “Kung Ikaw ang Tatanungin” segment ng show, ang ibinigay na scenario ay, “Kung may pogi o magandang katrabaho ang partner mo, pipiliin mo bang maging OA (over acting) sa pagseselos o maging nonchalant sa pagseselos?”

Unang sumagot ang komedyanteng si Donita Nose, “OA ako!”

Sumunod na nagsalita ang aktres at beauty queen na si Herlene Budol, “Dati kasi OA ako magselos. Dahil OA ako naghiwalay kami nang tuluyan so pipiliin ko ngayon maging nonchalant kasi I know my worth right now.”

Sabi naman ni Jak, naniniwala siya na isa sa pinakamahalagang bagay sa isang relasyon ay trust at communication.

“Base sa experience ko, walang selosan sa ganyan. Kung confident ka naman and you have trust sa partner mo, ‘di ba? Wala kang dapat ikatakot. Wala ka dapat ika-worry,” pahayag ng boyfriend ni Barbie.

Baka Bet Mo: David hinding-hindi guguluhin ang relasyon nina Jak at Barbie: ‘Nirerespeto ko ‘yung relationship nila’

Sey naman ni Kuya Kim Atienza, seloso siyang partner, “Seloso ako pero ine-express ko sa paraan na hindi paaway. Napakaseloso ko.”


Over acting din daw si Jayson Gainza sa pagiging seloso, “OA ako sa pagseselos kasi gusto ko sa akin lang siya tumatawa, sa akin lang siya cute na cute, sa akin lang siya poging pogi. Sa akin lahat.”

Nonchalant naman si Faith sa isyu ng selosan dahil confident siya sa kanyang sarili, “Ako nonchalant ako. Kasi dapat ‘pag nasa relationship ka, you have to be secure with yourself, with your partner.

“Dapat may trust ka kung sino man ‘yung kasama niya ‘di ba dapat confident ka sa sarili mo. Hello, ako na ‘to tapos gaganyanin mo pa ako?

“So kung mayroon man siyang gagawin, nasa kanya na ‘yun. Kung nangyari man ‘yun, bahala ka na sa buhay mo, bye-bye,” aniya pa.

Para naman kay Pokwang, “Ako, nonchalant. Ang bawat partner, babae man o lalaki, girlfriend, boyfriend, husband, wife, huwag ninyo bibigyan ng reason magselos. Ang tawag doon respeto. Kailangan mag-usap kayong mabuti.”

Read more...