Neri enjoy mag-harvest sa secret garden: Pitas-pitas lang

Neri enjoy mag-harvest sa secret garden: Pitas-pitas lang tapos luto na

Ervin Santiago - June 23, 2024 - 12:10 AM

Neri enjoy mag-harvest sa secret garden: Pitas-pitas lang tapos luto na

Neri Naig

NAPA-SANA all na naman ang mga netizens dahil sa isang Instagram post ni Neri Miranda kung saan super flex na naman siya sa pag-aari nilang farm ni Chito Miranda.

In fairness, talagang hindi mo maiiwasan ang mainggit sa farm ng celebrity couple na tinatawag nilang Neri’s Secret Garden na mukhang gagawin na ring isang wedding destination at events place.

Makikita sa video na ibinahagi ni Neri sa kanyang IG page ang pag-iikot at pag-aani niya ng iba’t ibang klaseng gulay sa kanilang berdeng-berdeng garden.

Baka Bet Mo: Balak na nga bang layasan nina Jennylyn at Dennis ang Pinas at sa Amerika na manirahan?

Aniya sa caption, “Tara mag ani tayo ng kung ano ang makikita sa aking munting hardin at magluto kung ano ang available sa kusina, hehe!

“So ayun na nga, marami rami rin ang naharvest ko! May fresh flowers pa! Tapos may liempo pa ako sa kusina, syempre masarap inihaw.

“Tapos may natirang bagoong dati pa kaya naisipan kong mala binagoongan style pero di ko hinalo yung liempo kase si Miggy, ayaw ng bagoong.

“It’s too salty daw at hindi healthy, tama nga naman.. kaya palaging nakahiwalay sa bagoong,” kuwento ng aktres at wais na misis.

 Baka Bet Mo: Sue Ramirez, Javi Benitez 4 years nang magdyowa, nagpakilig sa socmed: ‘I’m a lucky one’

Dugtong pa ng celebrity mommy, “Ang saya ng may garden, pitas pitas ka na lang tapos lutuin mo lang.. maganda talaga yung homesteading! Next time, sariling baboy na namin ulit ang ihahain ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


“Anyway, sana ma-enjoy n’yo ang panonood ng munting vlog ko sa aming buhay. At sana matupad din yung garden o farm na gustong gusto nyo rin kagaya ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nagsimula lang ako sa pagtatanim sa maliit na lot hanggang sa nagkaroon din ng medyo lumaking lote. pag pray natin na sana yung sa inyo ay matupad na rin.. in God’s perfect time,” ang pagbabahagi pa ni Neri Miranda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending