Trina Candaza may kasamang boylet, nakahanap na ng dyowa?

Trina Candaza may kasamang boylet, nakahanap na ng dyowa?

Therese Arceo - June 20, 2024 - 04:18 PM

Trina Candaza may kasamang boylet, nakahanap na ng dyowa?

USAP-USAPAN ngayon ng madlang people kung sino nga ba ang lalaki na kasama ni Trina Candaza, ang dating karelasyon ni Carlo Aquino.

Nagbahagi kasi ito ng larawan sa kanyang Instagram story kung saan may kasama itong matangkad na lalaki na nakasuot na shades.

Kaya naman napapatanong ang mga netizens kung ito na nga ba ang bagong pag-ibig na natagpuan ni Trina matapos ang relasyon nila ni Carlo.

Ngunit sa sumunod pa nitong update ay tila nalungkot ang ilang netizens dahil tila “kapatid” lang pala ito ng social media influencer matapos mabasa ang caption.

Baka Bet Mo: Trina Candaza nagsalita na kung bakit wala ang anak sa kasal ni Carlo

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Our two little bros planning kung anong next kalokohan,” ayon sa caption ni Trina.

Kalakip nito ang video ng lalaking kasama niya sa naunang IG story nito at ng isa pang lalaki na kuha mula sa tabing-dagat.

Mabilis naman ang mga netizens na i-check ang Instagram account ng lalaki ay nakulala ito bilang si Harjit Chonan.

Sa katunayan ay ni-repost rin nito ang IG story ng ina ni Mithi na may caption na “Where next Ate Trina?”

Palaisipan naman sa mga netizens kung baka itinuturing lang ito bilang nakababatang kapatid ng social media personality dahil mukhang may ibang lahi ito at magkaiba sila ng apelyido.

May ilan pa na nagwi-wish na sana ay magkaroon na ng bagong lovelife si Trina dahil deserve rin nito ang maging masaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang nitong buwan lang nang ikasal ang kanyang ex-partner nz si Carlo sa Kapamilya actress na si Charlie Dizon.

Marami nga ang nalungkot para sa sinapit ni Trina lalo na’t may anak sila ni Carlo at mas nakisimpatya sa mag-ina.

Samantala, wala pa namang paglilinaw na inihahayag si Trina tungkol sa trending nilang picture ni Jit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending