Rhen Escaño pasadong action star sa ‘Karma’, mala-Angel Locsin ang angas

Rhen Escaño pasadong action star sa 'Karma', mala-Angel Locsin ang angas

Rhen Escaño at Sid Lucero

PINATUNAYAN ng sexy actress na si Rhen Escaño na kering-keri niyang pagsabayin ang pagdadrama at ang pagiging action star.

Napanood namin ang unang pagsabak ni Rhen sa mga buwis-buhay na eksena via the action-suspense-drama movie na “Karma” sa ginanap na premiere night nito sa SM North EDSA cinema 6 last Tuesday.

In fairness, pinabilib ni Rhen ang mga manonood sa mga ginawa niyang stunts at action scenes sa pelikula, bukod pa sa galing niyang umiyak sa madadramang eksena.

Habang pinanonood namin ang “Karma” ay parang nakikita namin ang Kapamilya actress at real life Darna na si Angel Locsin. May angas at malakas din kasi  ang dating ng pagiging action star ng dalaga.

Baka Bet Mo: Pokwang nanggigil sa basher na nagsabing karma ang paghihiwalay nila ng dyowa: Bakit may pinatay ba ako? G*ga ka!?

Maswerte rin si Rhen dahil magagaling din talaga ang mga co-stars niya sa movie na siguradong pinaghugutan niya sa kanyang mga intense scenes tulad nina Roi Vinzon at Sid Lucero. Aside from that, maganda at maayos ang pagkakalahad ng kuwento kaya walang boring at antok factor.

Buti na lang hindi sumuko ang Viva artist habang ginagawa nila ang “Karma” kung saan iniyakan talaga niya ang mga buwis-buhay niyang action scenes na kinunan sa Baguio City.


Sabi ng kanilang direktor na si Albert Langitan, “Nahirapan kasi talaga siya dahil matindi ang eksena.I had to contantly remind her ‘Nagawa mo na yung mga nakaraang eksena, kaya mo rin ito.'”

Sa mediacon ng movie, natanong ang dalaga kung bakit niya tinanggap ang role kahit alam niyang pahihirapan siya ng kanilang direktor, “Gusto ko magpapansin. Gusto ko mapansin niyo ako. Gusto ko maisip ng mga manonood na yung akala niyo di ko kayang gawin ay ginawa ko.

“Nu’ng unang in-offer sa ‘kin tong movie na to, nagsikip yung dibdib ko, as in my heart skipped a beat. Pero matigas po yung ulo ko.

“Mas gusto ko yung nagda-doubt sa akin yung tao para mas gagawin ko (ang kaya ko para patunayang mali sila). Gusto ko laging pinu-push ang sarili ko,” sabi ni Rhen.

Baka Bet Mo: Andrea may bagong hugot sa ‘karma’, para nga ba sa magdyowang Ricci at Leren Mae?

Iikot ang kuwento ng “Karma” sa gagawing paghihiganti ni Rhen na  gumaganap bilang si Angel, isang assassin na puno ng poot at pangungulila.


Walong taong gulang si Angel nang makita niya mismo sa kanyang harapan kung paano pinatay ang kanyang ama. Lumaki siya na gustong ipagtanggol ang mga inaabuso, hanggang sa dumating sa punto na aksidente siyang nakapatay ng lalaking nagnanakaw sa isang mag-ama.

Sa tulong ng kanyang Ninong Chief, isang dating police general, hindi nakulong si Angel pero naging myembro na siya ng organisasyon ng mga hitman na pinamumunuan ni Chief.

Pinaniniwalaang mga kriminal lamang ang tinutumba ng organisasyong ito. Pero sa huli niyang misyon, nakita ng anak ng kanyang target ang pagpatay niya dito.

Hindi mabura sa isipan ni Angel ang imahe ng batang yakap-yakap ang kanyang pinaslang na ama. Lalong tumindi ang pagsisisi ni Angel nang malaman niyang ang pinatay niya ay hindi drug pusher kundi isang undercover police officer.

Sunud-sunod na ang mga bagay na nadiskubre ni Angel tungkol sa kanyang Ninong Chief, sa totoong uri ng kanilang organisasyon, at sa totoong motibo ng pagpatay sa kanyang ama. At ngayon, walang makakapigil sa kanyang ipatumba ang tunay na salarin.

Ginagampanan ni Sid ang papel nang dating iskolar na si Rommel. Tulad ni Angel, naging hitman siya sa organisasyon ni Chief played by Roi Vinzon, nang napasubo ito sa madugong labanan sa isang gang. Magkapatid ang turingan nina Rommel at Angel.

Pareho silang magaling sa kanilang trabaho kahit hindi talaga gusto ni Rommel ang pumatay. Hinihintay na lang niya ang tamang panahon para iwan ang organisasyon.

Ngayon, pumapayag na si Chief na pakawalan siya pero sa isang kundisyon: dapat niyang patayin si Angel dahil marami na itong nalalaman.

Kasama rin sa “Karma” sina Krista Miller, Paolo Paraiso, Leandro Baldemor, at Mon Confiado. Mula sa Viva Films at Happy Infinite, showing na ngayon  ang “Karma” sa mga sinehan nationwide.

Read more...