Pokwang nanggigil sa basher na nagsabing karma ang paghihiwalay nila ng dyowa: Bakit may pinatay ba ako? G*ga ka!? | Bandera

Pokwang nanggigil sa basher na nagsabing karma ang paghihiwalay nila ng dyowa: Bakit may pinatay ba ako? G*ga ka!?

Ervin Santiago |July 10,2022
facebook
share this

Pokwang nanggigil sa basher na nagsabing karma ang paghihiwalay nila ng dyowa: Bakit may pinatay ba ako? G*ga ka!?

Ervin Santiago - July 10, 2022 - 11:35 AM

Pokwang at Lee O’Brien

MATAPANG na inokray ng isang basher ang Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang matapos kumalat ang chika na hiwalay na sila ng American actor na si Lee O’Brian.

Tinawag kasing “karma” ng nasabing netizen ang breakup ng ex-celebrity couple kung saan ikinonek nga nito ang nangyari sa personal na buhay ng komedyana sa politika.

Kamakailan lamang ay kinumpirma ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na last year pa naghiwalay sina Pokwang at Lee.

Hindi raw agad ibinalita ni Ogie ang tungkol dito sa pakiusap na rin sa kanya ng kaibigang komedyana.

Ngunit sa kabila ng pagkalat ng chika tungkol sa tunay na estado ng relasyon ng showbiz couple, nananatili lang silang tahimik hinggil dito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Kahapon, July 9, may isang netizen ang nagkomento sa isang Instagram account kung saan naka-post nga ang issue tungkol sa hiwalayan nina Pokey at Lee.

Sinabi ng hater na “bitter” pa rin ang komedyana sa pagkatalo ng sinuportahan niyang kandidato noong nagdaang May 9 elections dahil sagot pa rin ito nang sagot sa mga supporters ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.

“Karma ba yan @itspokwang27,” ang hirit pa ng basher kay Pokwang with matching laughing with tears pa.

Ang bwelta ni Pokwang sa kanya, “Hindi po karma ang tawag du nililinis ni God ang daanan ko patungo sa tamang tao!

“Ikaw kapag namatayan kaba ng kamag anak mo karma agad? Bakit may pinatay baa ko? gaga ka?” panunupalpal pa ng Kapuso star sa netizen.

Matatandaang nabanggit ni Ogie sa kanyang vlog na November, 2021 pa naghiwalay sina Pokwang at Lee at maayos naman daw ang kanilang breakup.

Nagkausap na rin daw ang dating magdyowa tungkol sa pagpapalaki at pag-aalaga ng kanilang anak na si Malia na four years old na ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tungkol naman sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nina Pokey at Lee, sabi ni Ogie, “Sa totoo lang masalimuot, pero ang sinabi lang ni Pokwang, ‘Ang importante ay hindi kami magkagalit nu’ng maghiwalay kami ni Papang (Lee).’”

Pokwang hinabol ng ‘samurai’ ang asawa dahil sa selos: Iyak siya nang iyak!

Pokwang hiwalay na sa asawang si Lee O’Brian, sey ni Ogie Diaz: Last November 2021 pa

Sylvia Sanchez na-meet nang personal si Lee Jung-jae ng ‘Squid Game’; mas tumaas pa ang respeto kay Liza Dino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending