Lumang video nina Ronnie Liang at Harry Roque pinagpiyestahan

Lumang video nina Ronnie Liang at Harry Roque pinagpiyestahan

Ervin Santiago - June 20, 2024 - 09:02 AM

Lumang video nina Ronnie Liang at Harry Roque pinagpiyestahan

Ronnie Liang at Harry Roque

NAKAKALOKA! Pati ang aktor at OPM artist na si Ronnie Liang ay nadamay na sa kontrobersyang kinasasangkutan ni Harry Roque at ng isang male pageant winner.

Pinagpipiyestahan ngayon sa social media ang isang video clip kung saan makikitang magkasama sina dating Presidential Spokesperson (ni former President Rodrigo Duterte) at Ronnie.

Tila nasa isang pumpboat o bangka ang dalawa at nagkakabiruan habang binabaybay ang karagatan. Hindi malinaw sa video kung silang dalawa lamang ang magkasama o may iba pang nasa bangka.

Baka Bet Mo: Netizen rumesbak sa isyu ng paggawa ng porn movies: ‘Ano ba ang stand mo Ronnie Liang? Ang gulu-gulo mo rin ‘no!?’

Maririnig si Harry Roque na nagsasabing, “Maya-maya, tingnan natin kung mapapa-topless natin si Ronnie Liang. Ha-hahahaha!”


Muli siyang humarap sa camera at nag-dialogue ng, “Ako magta-topless ako.” Na sinundan uli ng malakas na halakhak. Natawa rin si Ronnie sa pagbibiro ng dating government official.

Kung hindi kami nagkakamali, bahagi ang nasabing video ng online program ni Harry na “The Spox Hour” na ipinalabas noong 2022.

Nag-guest si Ronnie sa naturang show kung saan bumisita sila sa Dinagat Island noong July, 2022. Pinag-usapan nila sa programa ang pagiging military reservist ng singer-actor.

At ngayon nga ay nilalagyan ng kulay ng mga netizens ang video nina Harry at Ronnie kahit napakatagal nang nangyari ang kanilang collab at feeling naman namin ay walang malisya sa pagitan ng dalawa tulad ng pinalalabas ng mga bashers.

Baka Bet Mo: Aktong panghihipo ni Duterte sa kasambahay, biro lamang at walang malisya–Roque

Wala pang reaksyon sina Ronnie at Atty. Harry hinggil dito. Bukas ang BANDERA sa kanilang magiging pahayag.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ronnie Liang (@ronnieliang)


Kumalat sa socmed ang naturang video sa gitna ng kinasasangkutang isyu ng dating spokesperson ni Rodrigo Duterte na may kaugnayan sa problema ngayon ng bansa sa mga POGO.

Kalat na rin ngayon ang balita ng pagsama at pagpondo ni Harry Roque kay Mister Supranational Alberto Rodulfo “AR” dela Serna bilang “travel companion” nang bumisita ito sa tatlong European countries noong 2023.

Ito ay matapos makita ang ilang dokumento kaugnay sa naturang foreign trip nang i-raide ang isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

Base sa affidavit of support na nakita ng mga otoridad sa nasabing raid, detalyadong nakasaad na magbibigay ng financial support si Roque kay De La Serna sa kanilang trip sa Poland, Ukraine, at Italy mula October 9 hanggang 18, 2023.

“He will accompany me to these countries as an invited resource person to speak on an event on the Peace Process in Ukraine which will be Kiev, Ukraine to [be] held from 13-16 October, 2023,” saad ng dating Palace spokesman sa nasabing dokumento.

Sabi pa ni Atty. Roque, “I need a travel companion since I am diabetic, with coronary stent and suffering from acute spinal stenosis.”

Sinabi rin niya na hindi magiging “financial burden” ang male pageant title holder sa kahit anong bansang kanilang bibisitahin.

“In case of any unforeseen circumstances per emergencies during his time in Europe, I am committed to proviing financial assistance to ensure his well-being,” sabi pa ni Roque.

Ang mga dokumento ay na-recover ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na may pirma pa ni Roque sa mga naganap na raids sa Porac, Pampanga last week.

Isang appointment paper rin ang nakita kung saan itinalaga si De La Serna bilang executive assistant III na may salary grade 20 (over P54,000) mula January 4 hanggang December 31, 2021.

Si AR dela Serna ay isang male beauty pageant contestant na unang lumaban sa 2015 Misters of Filipinas pageant.

Siya rin ang naging representative ng Pilipinas sa unang Mister Supranational na ginanap sa Poland noong 2016.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Graduate ito sa kursong Science in Business Administration degree muya sa Holy Name University sa Tagbilaran City, Bohol.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending