Gary Estrada ‘nabaliw’ kay Dina Bonnevie, umaming naging stalker

Gary Estrada 'nabaliw' kay Dina Bonnevie, umaming naging stalker

Gary Estrada, Bernadette Alysson at Dina Bonnevie

HINDI nagdenay ang dating drama actor at action star na si Gary Estrada sa balitang naging stalker siya noon ng premyadong aktres na si Dina Bonnevie.

Sa guesting ni Gary sa Kapuso weekly talk show ng GMA 7 na “Sarap, Di Ba?” kasama ang asawang si Bernadette Allyson, ay game na game siyang sumalang sa hotseat.

Isa sa mga questions sa kanya ay kung sino ang award-winning actress at mas may edad sa kanya na ini-stalk niya noon dahil super na-in love siya rito.

Baka Bet Mo: Dina Bonnevie pinagsabihan ng anak bago umere ang interview kay Tito Boy: Masyado kang honest!

“Kahit ako nakalimutan ko na yan, ah!” ang natatawang sagot ni Gary. Pero umamin din naman siya, “Si Dina. Alam naman ng lahat, e.”


“Siyempre, si Dina Bonnevie yon. Sino ba naman ako?!” aniya sabay banggit sa pinagsamahan nilang pelikula noon.

“I was very lucky because nu’ng nag-start ako, the role wasn’t… yung movie namin, yung Tag-Araw, Tag-ulan, actually, that was not for me yung role,” pagbabalik-tanaw ng aktor about his 1992 Viva Films movie.

“It was offered to somebody else at first. Tapos hindi tinanggap. Buti na lang pumayag pa rin si Dina na gawin yung film,” aniya.

Baka Bet Mo: Dina namatay nang 1 minuto, parang nasa hukuman: Humahagulgol ako!

Matatandaang nagkuwento si Dina sa panayam sa kanya ng kapwa aktres na si Snooky Serna para sa YouTube channel nito tungkol sa pang-i-stalk sa kanya noon ni Gary noong February 18, 2023.

Rebelasyon ni Dina, “Do you know that Gary used to stalk me? Nagkita kami sa gym and then nakita niya ako. He started giving me and giving me yung mga weights.


“Tapos tingin siya nang tingin sa akin. Sabi ko, ‘Excuse me, are you working out your eyes?’ Kasi tingin siya nang tingin, imbes na yung body.

“Aba, sinundan niya ako hanggang sa… nakailang ano na ako sa gym, palagi siyang nandu’n.

“Hanggang sa ayun na, sinusundan na ako sa bahay. Sabi ko, ‘Why do you keep following me? Aanhin kita, ang bata-bata mo? Di kita puwedeng maging boyfriend, okay? Okay?’” chika ni Dina.

May pagkakataon pa raw na nagbanta si
Gary sa kanya, “Sabi niya sa akin mahal na mahal niya ako at magpapakamatay siya. Gusto pa nga niyang maglaslas sa bahay ko.”

“Sabi ko, ‘Sige, etong kutsilyo, magpakamatay ka, ha? Pag hindi mo itinuloy, hindi ka na makakabalik.’ Kasi napuno na ako. Sabi ng yaya ko, ‘Wag mo namang ganyanin si Gary, Dins,’” ang natawang pag-alala ni Dina.

Sa ngayon ay 23 years nang nagsasama bilang mag-asawa sina Gary at Bernadette at biniyayaan din sila ng tatlong anak na mga dalaga na ngayon.

May isa pa siyang anak sa dating karelasyon na si Cheska Diaz, ang kilala na ring aktor ngayon na si Kiko Estrada.

Read more...