Cong TV naiyak sa kasal, Viy Cortez dapat bang kabahan?

Cong TV naiyak sa kasal, Viy Cortez dapat bang kabahan?
MATAPOS ang matagal na paghihintay ay finally, ikinasal na rin si Viy Cortez sa kanyang longtime boyfriend na si Cong TV.

Naganap ang kanilang kasal nitong Lunes, June 17, kung saan ibinahagi nila ang ilang updates sa kanilang social media accounts.

“No more kapit bahay yes to asawa #perfectCongViynation,” caption ni Viy sa ibinahagi niyang pictures mula sa kasal nila ni Cong.

Hindi naman nagpatalo ang leader ng Team Payaman at nag-post rin ito ng kanilang pictures sa kanyang social media accounts.

Baka Bet Mo: Cong TV, Viy Cortez ikinasal na: #PerfectCongViynation!

“Mr. and Mrs. TV,” kwelang caption ni Cong.

Isa nga sa mga ibinahagi nilang larawan kung saan makikitang umiiyak ang content creator na umiiyak habang inaantay sa altar si Viy ang pinaglaruan ng netizens.

Aware naman ang lahat na naging meme na ang mga grooms na umiiyak sa kasal dahil ilang celebrities rin ang nakunang umiiyak noong kasal ngunit nauwi rin sa paghihiwalay ang kanilang pagsasama.

At hindi nga nakaligtas si Cong sa pangdo-dogshow ng madlang people sa kanyang larawan.

“Patay tayo dyan…. Kapag umiyak ang groom alam nyo na daw ang mangyayari,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Naku Cong bakit ka umiyak [laughing emoji] dimo b naalala lahat ng artistang ikinasal at umiyak ay napupunta sa hiwalayan [emojis]”

“Ay umiyak! Takbo na Viy!” sey naman ng isa.

Wala pa namang pahayag si Cong tungkol sa pangdo-dogshow ng netizens sa kanya.

Panigirado namang mapapanood sa YouTube vlogs ng Team Payaman ang mga naganap sa kasal ng dalawa.

Read more...