MARAMING netizens ang naawa kay Aaron Mondina, isa sa anak ni Joel Mondina a.k.a. Pambansang Kolokoy na may autism spectrum disorder, na umuwi ng Pilipinas para makita ang ama.
Base sa nakita naming komento ng netizens sa video post ni PK sa YouTube channel nito kung saan namahagi sila ng pagkain sa mga bata kasabay ng selebrasyon ng ikaanim na buwan ng bunsong anak na babae na si Gigi sa bago nitong asawa.
Ayon kay @girliegalarido1130, “Hindi mo sinipot si Aaron, anak mo andyan sya sa Pinas kasi namimiss ka na PK ng anak mo.”
Baka Bet Mo: Maymay Entrata umamin: Sobrang hirap po ng LDR, kung walang maturity sa relationship hindi po talaga magwo-work’
Sabi ni @user-mrlpu4we9x, “Hindi nakatutuwa kunwari Ikaw Ang biktima para mapunta sa iyo ang simpatiya baliktarin man ang Mundo nagloko k at nagkasala.Kahit Anong Gawin mong pagpapakabuti mali k p rin .ang Isang pagkakamali d maitutuwid Ng Isa pang pagkakamali. Still adultery is a grieve sin.”
May bumati rin kay Gigi tulad ni @Franciscamabingnay1234, “Happy 6 month Gigi..laki na ni Juju.”
Komento ni @mamelola7517, “Wow may pa monthsary celebration sa anak sa labas habang yung anak nyang legit pumunta sa Pinas inindyan lang.”
Samantala, inamin ni Miss Grace o Marites, ang ex-wife ni Joel na nahihirapan siya bilang single parent sa tatlong anak nila na naiwan sa poder niya sa Amerika habang ang dating asawa ay dito na naninirahan sa Pilipinas kasama ang bagong misis at dalawang anak na sina Juju at Gigi.
Sa tatlong anak na pawang lalaki ay dalawa ang may autism, sina Aaron at Jason (ikalawa) samantalang ang bunsong si CJ ay normal.
Anyway, napanood namin ang posted videos ni Ms. Grace sa YT kung saan ipinasyal niya ang anak na si Aaron kasabay ng mukbang challenge para sa Pinoy food at ang paborito nilang halo-halo.
Masaya naman si Aaron pero siguro off-camera ay hinahanap niya ang amang si PK dahil malapit pala ito sa kanya.
Inamin ni Ms. Grace, “It’s really hard to have two but most of people have one, but I have two and it’s really hard you have a lo of patience and if you don’t have patience you have to learn talaga kasi ang hirap as they grow up.
“In my experience you have so much time for them but unfortunately, I was there but not so much that they needed it. They really need extra time na para ka ng walang magagawa (ibang work) especially ngayong mag-isa ako,” aniya.
Binanggit nito si Aaron at ang paglalarawan niya sa panganay na anak, “Repetitive si Aaron, eh, si Jason naman okay naman, he understand when he’s communication is better.
“But for Aaron, ‘yung isip niya I think parang one year old lang, so, it’s hard to tell him he’s just asking over and over siyempre maano (mauubos pasensya) ka rin di ba especially pag (pagod).
“Pero ang good side naman kay Aaron parang hindi mo siya pinagalitan (laging sinasagi) ‘I love you mom (sabay pakita ng video) and even though ganyan siya, okay mom, okay mom, you don’t have to be rude.’ ‘Yun ang maganda kay Aaron hindi siya nagta-tantrum madali siyang sabihan,” sabi niya.
Emosyonal si Ms. Grace kapag napag-uusapan ang mga anak at ang dahilan nito ay, “Kasi wala ang tatay nila (PK) like, ‘okay It’s your turn, you deal with him.’
“And plus hinahanap siya (PK) anong magagawa ko wala siya dito (basag ang boses). Lahat ako na, tatay, nanay whatever,” sabi pa ni Grace.
Noong magkasama pa ang ex-couple ay napapanood sa YT ni Pambansang Kolokoy na laging busy si Ms. Grace at ang ama ng mga bata ang nag-aasikaso sa mga anak na minsanan lang ipakita sina Aaron at Jason dahil laging si CJ ang laman ng videos ni Joel.
At nu’ng nagkalabuan na ang dating mag-asawa ay saka lang nabanggit na may autism sina Aaron at Jason.
Dalawa ang trabaho ni Ms. Grace at aminadong hirap na hirap siya kaya ang oras ng tulog niya ay iilan lang at nakikiusap sa mga anak na huwag siyang gisingin maliban kung emergency na naiintidihan naman daw nu’ng dalawa.