Maymay Entrata umamin: Sobrang hirap po ng LDR, kung walang maturity sa relationship hindi po talaga magwo-work' | Bandera

Maymay Entrata umamin: Sobrang hirap po ng LDR, kung walang maturity sa relationship hindi po talaga magwo-work’

Ervin Santiago |June 06,2023
facebook
share this

Maymay Entrata umamin: Sobrang hirap po ng LDR, kung walang maturity sa relationship hindi po talaga magwo-work’

Ervin Santiago - June 06, 2023 - 07:18 AM

Maymay Entrata umamin: Sobrang hirap po ng LDR, kung walang maturity sa relationship hindi po talaga magwo-work'

Mayday Entrata at Aaron Haskell

TULAD ng ibang magdyowa na magkalayo sa isa’t isa, ramdam na ramdam din ng Kapamilya actress na si Maymay Entrata ang hirap ng long-distance relationship o LDR.

Ayon kay Maymay hindi raw pala talaga madali ang magkaroon ng dyowang foreigner na naninirahan at nagtatrabaho sa ibang bansa.

Nagkuwento ang dalaga tungkol sa “struggles” nila ng kanyang boyfriend na si Aaron Haskell na nakabase ngayon sa Canada at kung paano nagwo-work sa kanila ang LDR.

“Sobrang hirap po ng LDR, hindi po madali. Parang kung walang maturity sa relationship, hindi po talaga magwo-work ‘yung LDR,” chika ni Melai sa panayam sa kanya ng “Magandang Buhay” kahapon, June 5.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)


Pagpapatuloy pa ng aktres at singer, “Tapos siya po ay sobrang consistent niya talaga na magbigay ng time. Sobrang OA nito pero 24/7 kaming nagtatawagan.

“Kahit nagtatrabaho siya nandiyan lang ako natutulog or ako nandito, siya natutulog. Hanggang mag-meet ‘yung time namin saka kami mag-uusap or mag-movie,” sey pa ng dalaga.

Baka Bet Mo: 3 tips ni Pia para sa mga LDR couple: Laging mag-usap, honest sa isa’t isa at meron kayong mga plano

“Mahirap man pero worth it po siya kasi consistent po siya talagang laging ipaparamdam niya sa akin y’ung suporta niya.

“At peace sa puso ko na wala akong dapat ipag-alala sa kung saan man siya roon basta maging safe lang siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)


“Pero aside from doon sa mga bagay na mababaliw tayo na ‘ano ba?’ o may pagselos, pero wala talaga,” paliwanag pa ni Maymay.

Sabi pa niya, iba talaga kapag parehong nagtitiwala sa isa’t isa ang magkarelasyon, “Grabe kapag may trust ‘yung relationship parang ang dali lang ng buhay.”

Samantala, naichika rin ni Maymay na hindi pala alam Aaron noong una na isa siyang kilalang celebrity sa Pilipinas.

“Six months po ‘yon na wala siyang alam talaga pero nanligaw na po siya nung time na ‘yan. ‘Yun ang maganda kasi hindi niya po alam,” sey ni Maymay.

Kamakailan ay nakasama ng dalaga si Aaron sa “ASAP Natin To” kaya naman nagkaroon sila ng panahon para makapag-bonding bago muling maghiwalay.

Kung matatandaan, nagpunta rin si Maymay sa Canada para mag-aral ng acting course. Sey ng dalaga, isa si Aaron sa mga pumilit sa kanya na mag-aral uli.

Maymay Entrata sa dyowang si Aaron Haskell: Thank you for being my partner, and true love!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bela masaya sa pakikipag-LDR sa non-showbiz dyowa: Kanya-kanya naman ng trip yan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending