BUKOD sa pagpataw ng parusang “persona non grata” kina Rendon Labador at Rosmar Tan, balak din silang kasuhan ng local government ng Palawan.
Isang board member sa naturang probinsya ang nagrekomenda sa Sangguniang Panlalawigan ng Palawan sampahan ng kaso sina Rosmar at Rendon, kasama ang iba pa nilang kasamahan sa Team Malakas.
Ayon kay 3rd district board member Rafael “Jun” Ortega Jr., pag-aaralan nila kung ano ang mga kasong pwedeng isampa sa grupo nina Rendon at Rosmar kaugnay ng pagsugod nila sa munisipyo ng Coron at sa ginawa nilang paninigaw at paninindak sa isang empleyado roon.
Baka Bet Mo: ‘Yes or No?’ Pwede bang kasuhan ng rape ang iyong asawa?
Pahayag ni Ortega na mapapanood sa isang video, “Tayo po ay sumusuporta sa panukala ni board member Anton (Juan Antonio Alvarez, first district board member) na ideklara sila na persona non grata, hindi lamang sa bayan ng Coron, kundi sa buong lalawigan ng
“Dahil ang pambabastos po nila ay hindi lamang sa isang babae, kundi sa isang opisina ng municipal mayor ng Coron at sa mga buong lalawigan ng Palawan,” ang katwiran niya.
Dagdag pa ni Ortega, “Hindi po welcome sa Palawan yung mga ganoong sinasabi na sikat na tao, yung babastusin mo ang Palaweño.
“Ako, tingin ko nga, if I may suggest kay board member Anton, kasi kung persona non grata lang yan, it’s just an expression of sentiment na you are not welcome in Palawan. But, anong epekto nung isang persona non grata ka lang?
Baka Bet Mo: Rendon, Rosmar papatawan ng ‘persona non grata’ sa Coron, Palawan
“Tingin ko, baka pupwedeng pag-aralan natin. Humingi tayo ng suhestiyon sa ating mga legal minds kung pupuwede anong isampa nating kaso dito.
“Dahil tinitingnan ko, baka pupuwede kasuhan ng oral defamation or kung ano pang mas greater offense na mas puwedeng ikaso sa kanila. Para madala yung ganitong mga tao,” lahad niya.
Wala pang opisyal na pahayag ang grupo nina Rosmar at Rendon hinggil sa bagong kaganapang ito. Bukas ang BANDERA sa kanilang magiging reaksyon.
Nag-sorry na ang kontrobersyal na mga social media personalities sa nangyari pero mukhang hindi pa ito sapat para mapatawad sila ng mga taga-Coron.