Viral bride at groom sa Negros rumampa sa Take 2 ng wedding, libre lahat

Viral bride at groom sa Negros rumampa sa Take 2 ng wedding, libre lahat

Janine at Jove Sagario

FINALLY, naranasan din ng viral groom at bride ang pinapangarap na dream wedding matapos mapahiya sa nauna nilang kasal sa isang simbahan sa Negros Oriental.

Na-headline sa halos lahat ng news program at online websites ang ginawang pamamahiya kina Janine at Jove Sagario ng paring nagkasal sa kanila sa St. Andrew the Apostle Parish sa Amlan, Negros Oriental last June 8.

Masamang-masama ang loob ng bagong kasal dahil sa halip na nagsasaya at nag-eenjoy sila sa kanilang espesyal na araw ay napuno ng hinanakit ang kanilang mga damdamin.

Baka Bet Mo: Ninang sa ‘viral wedding’ na nagkamali sa oras ng kasal nag-sorry na

Pero in fairness ha, dahil nga sa nangyari ay maraming nagtulung-tulong para sa “take 2” ng kanilang wedding na isinagawa nitong nagdaang Lunes, June 17.

Naganap ang civil wedding alas-4 ng hapon sa isang events place sa Dumaguete City kung saan dumalo rin ang mayor ng siyudad.


Balitang nakalikom ng halos P1 million ang mga wedding supplier at iba pang grupo sa Negros Oriental para sa ikalawang kasal nina Janine at Jove.

Libre na ang garment, ring, ang reception venue at program, fireworks display, pagkain at iba pang serbisyo na kinailangan sa kasal. Bukod pa riyan ay binigyan din ang bagong kasal ng honeymoon package mula sa isang resort plus cash gift.

Sa isang Facebook post ni Janine, sinabi nitong maligayang-maligaya sila ni Jove sa pagmamalasakit at pagtulong ng lahat ng taong tumulong para maikasal sila uli. Nakiusap din siya sa lahat ng naapektuhan sa nangyari sa una nilang kasal na mag-move on na.

Sinabi rin ni John Lester Barot, professional violinist at isa sa mga naging organizer sa “Take 2” wedding, na napatawad na rin ng mag-asawa ang lahat ng taong naging bahagi ng mala-bangungot nilang kasal sa simbahan.

Baka Bet Mo: Gladys Reyes hindi pinersonal si Awra Briguela nang tawaging ‘batang-hamog’: ‘Sinusunod ko lang ang script!’

Nauna rito, nag-issue rin ng official statement si Msgr. Albert Erasmo G. Bohol, parish priest ng Saint Andrew Parish sa Amlan sa pamamagitan ng Facebook page ng Diocese of Dumaguete Commission on Liturgy.


Ayon sa kanilang pahayag, 8 a.m. talaga ang schedule ng kasal nina Jove at Janine, “However, on the night before the wedding, one of the lady sponsors went to the bride and groom’s house and told them that the wedding was moved to 9:30 a.m. and that they should not be in a hurry.

“She relayed this information in an unofficial capacity,” ang sabi pa.

Pagkatapos daw kasi ng kasal ay may naka-schedule na funeral mass ng 9:30 a.m.. Gayunman, humingi pa rin ng paumanhin ang pari sa nangyari sa kasalan.

“Hence, we express our sincere apology to the bride and the groom, to their respective families who were directly offended by the turn of these events, and to the people who have seen our humanity as Priests in a time when we were weakest of any possible control,” aniya pa.

Read more...