4th impact happy sa achievement ng BINI, bet makipag-collab

4th impact happy sa achievement ng BINI, bet makipag-collab

MASAYA ang all-female group na 4th impact sa tinatamasang tagumpay ngayon ng nation’s girl group na BINI.

Ayon sa naging panayam ng Cinema Bravo sa apat na magkakapatid habang sila ay abala sa kanilang US tour ay inamin nilang natutuwa sila sa pamamayagpag ng karera ng walong dalaga.

Pag-amin pa ng 4th impact, nais sana nilang makasama ang BINI at makipag-collab kung mabibigyan sila ng pagkakataon.

“Deserve naman nila ‘yon. And if we were given a chance to collab with them, it’s gonna be a dream come true for us.

Baka Bet Mo: Almira ng 4th impact bumwelta: Stop the hate and spread love

“‘Yung makasama mo ang ‘nation’s girl group.’ It’s been a dream para sa amin na makasama sila one day,” sey ni Almira, ang panganay sa 4th impact.

Aware naman ang lahat na talagang maingay ngayon ang pangalan ng BINI at patuloy ang pamamayagpag ng kanilang mga kanta lalo na sa Spotify.

Kaya para sa 4th impact su talagang deserve na deserve ng nation’s Ppop group amg estado ng kanilamg karera ngayon.

Inilarawan ron nila na sweet, humble, at super talented ang mga BINI.

Ilan raw sa mga naka-close ng 4th impact na moyembro ng BINI ay sina Mikha, Jhoanna, at Maloi.

Sey naman ng concert promoter na si Enteng The Dragon, nagpadala na raw sila ng feeler ng grupo para sa paprating na tour ng BINI.

“Actually there’s a tour coming with BINI and we’re already sending our feeler if we can be given one opportunity to collab with them… Nothing is confirmed,” chika nito.

Read more...